top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Sobrang kinabahan sa eksena nila… JAMES, UMAMING IBANG-IBA ANG NARANASAN KAY KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 15, 2026



SPECIAL - JAMES, UMAMING IBANG-IBA ANG NARANASAN KAY KATHRYN-IG _james & _draivee

Photo: IG _james & _draivee



After 9 years, balik-teleserye na ang Multimedia Prince na si James Reid at for the first time, magsasama sila ng “Box Office Queen” ng henerasyon ngayon na si Kathryn Bernardo. Ito ay sa seryeng Someone, Someday na magsisimula na sa July 27 sa AllTV 2, A2Z at TV5, pero mas unang eere sa Netflix sa July 24 at sa iWant sa July 25.


Sa ginanap na solo mediacon para kay James kahapon sa Noctos Bar, masayang-masaya ang aktor dahil Till I Met You pa, na pinagtambalan nila ng dating on and offscreen partner na si Nadine Lustre, ang kanyang huling seryeng ginawa.


Ang huling movie naman niya ay ang Miss Granny (2018) na pinagbidahan ni Pop Star Sarah Geronimo.


Kaya naman, matagal-tagal din talagang napahinga sa pag-arte si James dahil after nga ng last movie niya, nag-focus muna siya sa music.


Pero in fairness, sa trailer ng Someone, Someday, hindi mararamdamang kinalawang si James sa pag-arte. Ewan kung na-challenge siya sa galing ni Kathryn at ng isa pang magaling na aktres na kasama nila na si Maja Salvador o baka dahil inalalayan siya ng dalawa para maibigay ang best niya.


Natanong nga namin si James sa mediacon kahapon kung ano’ng mga naging adjustment niya working with Kathryn, gayung nasanay siya noon na si Nadine ang kanyang ka-love team.


Pag-amin ni James, “I think, the experience itself is different, you know, how me and Kath put together these new characters and trying to come up with something very new that people haven’t seen yet. We want to create something that is new, that is fresh.”


Sinabi nga raw niya kay Kathryn na sobra siyang kinabahan dahil hindi siya sanay na iba ang kanyang leading lady, pero naintindihan naman daw ito ng aktres dahil pareho lang silang galing sa ibang ka-love team.


Well, abangan natin ang mga eksena nina James at Kathryn sa Someone, Someday kung mahahalata sa kilos ni James ‘yung sinasabi niyang kaba nang makaeksena ang aktres.





‘Di pa magdyowa, Kris, ha? BIMBY, TODO-YAKAP AT AKBAY KAY RYZZA MAE, NAGSUSUBUAN PA



KILIG to the max talaga ang maraming viewers ngayon ng Eat… Bulaga! sa sweetness nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap sa noontime show ng TV5.


Araw-araw kasi ay may bagong pakilig at pasabog ang MaeBy love team at parang lalo silang nagiging close.


Bukod nga sa mga pag-akbay-akbay ni Bimby kay Ryzza at madalas na pagyakap nito, may subuan pa ang dalawa na akala mo ay magdyowa kahit hindi pa naman.


‘Yun nga lang, kung may mga kinikilig, meron ding ibang KJ at medyo conservative at pinapayuhan si Bimby na ‘wag masyadong touchy kay Ryzza dahil hindi na sila bata at kailangan daw niyang irespeto ang katawan ng co-host.


Kung kay Bimby ay balewala ang mga pagyakap at paghawak niya sa bewang o balikat ni Ryzza, para sa iba, hindi siya dapat ganu’n ka-comfortable sa ka-love team dahil hindi naman sila magdyowa.


Hmmm… Ano kaya’ng masasabi ni Kris Aquino rito? 





PASABOG ang ginanap na civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co sa Makati City Hall last July 13.


Kung kelan ang akala ng lahat ay wala nang magaganap na kasalan matapos itong maudlot nu’ng May 16 sa Spain, tulad ng unang napabalita, heto’t binulaga nina Bea at Vincent ang madlang pipol sa kanilang very intimate wedding, na ang chika, bukod kay Mayor Nancy Binay na nagkasal umano sa kanila, tig-dalawang kaibigan lang ang kasama nila sa loob ng room para magsilbing witness.


Very private ang wedding. Kung ‘di pa nag-post si Mayor Nancy ng picture nila ni Bea na may hashtag na “#onemorechance” at pagkatapos ay kumalat na nga ang picture ng newlyweds sa social media kasama ang alkalde sa loob ng room, duda pa rin ang marami kung totoong naganap na ang kasal.


Palaisipan talaga sa lahat kung bakit itinago nina Bea at Vincent ang kanilang kasal dahil mismong mga kapamilya nila ay wala sa seremonya.


Isang common friend ng dalawa ang nakausap namin at tinanong siyempre namin kung totoo bang tutol ang pamilya ni Vincent kay Bea kaya naudlot noon ang kasal at ngayon nga ay no show din sila sa civil wedding. 


Paniniyak ng aming source, alam ng parehong pamilya from the start ang planong kasal at kung hindi man natuloy nu’ng una, hindi raw ang kani-kanilang pamilya ang naging problema kundi sila Bea at Vincent ang nagkaroon ng personal issue kaya na-postpone ang wedding. Pero, hindi naman daw sinabi ng dalawa na “cancelled” na ito.


Kaya kung nagdesisyon man daw ngayon sina Bea at Vincent na ituloy ang kasal, desisyon na nila ‘yun bilang mga mature adult na hindi na kailangan ang consent ng mga magulang.


Kung anuman ang dahilan kung bakit ganito ka-intimate ang naturang wedding, eh, mas mabuting sa bibig na raw nina Bea at Vincent manggaling ‘yun.


Basta ang nilinaw ng aming source, walang katotohanan ang mga kumalat na dahilan noon na hindi inayunan ng kampo ni Bea ang mga kondisyon ng pamilya ni Vincent sa prenup agreement.


Ang mahalaga, kasal na sila ngayon at dahil nasa wastong edad na sila, anumang maging desisyon nila, eh, for sure, kayang-kaya na nilang panindigan.

Congratulations, Mr. & Mrs. Co!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page