Sobrang generous daw sa lalaki, Jake… RABIYA, GINASTUSAN NG P200K ANG B-DAY NI JERIC, INIWAN PA RIN
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 9, 2026

Photo: IG _rabiyamateo
Hindi ikinahihiyang aminin ng beauty queen na si Rabiya Mateo na sobra-sobra siya kung magmahal. Para raw siyang bakla na lahat ng bagay na magpapasaya sa kanyang karelasyon ay ibinibigay niya.
Mahilig din siyang magregalo at halos wala nang itira para sa kanyang sarili.
Nagawa niya ito noong si Jeric Gonzales ang kanyang boyfriend. Gumastos siya ng P200,000 para lamang mabigyan ng bonggang surprise birthday party si Jeric.
Inimbita ni Rabiya ang pamilya at mga kaibigan ni Jeric Gonzales at nagpa-catering siya ng bonggang handa, pero nauwi pa rin sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.
Ngayon ay si Jake Cuenca naman ang nababalitang bagong boyfriend ni Rabiya. Spotted silang madalas na magkasama sa mga showbiz events.
Hindi naman itinatanggi ni Rabiya ang relasyon nila ni Jake.
Ang tanong ng mga accla (bakla), generous din kaya si Rabiya Mateo kay Jake tulad ng ginawa niya kay Jeric? Magtatagal naman kaya sila at magiging matatag ang kanilang pagmamahalan?
NAPAKAHUSAY ng pagkakaganap ni Harvey Bautista sa mini-series na Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS) na produced ng Rein Entertainment at KC Global Media.
Ginampanan ni Harvey ang role ni Kiko, isang drug user.
Maging si Romnick Sarmenta ay napakagaling din sa kanyang pagkakaganap bilang drug pusher na ama ni Kiko.
Napakatapang ng tema ng DWACOS na mula sa panulat at direksiyon ni Shugo Praico. Tiyak na marami ang masa-shock sa mga eksenang ipapakita rito.
Dito mapapanood ang panahon na laganap ang tokhang sa mga gumagamit ng droga. Markado rin ang role rito ni Ian Veneracion bilang si Father Tom na tumutulong sa mga kabataang dating nalulong sa droga. Tinutulungan silang magbago sa rehab center na nasa pangangalaga ng simbahan.
Kung isasalin sa pelikula ang DWACOS, malaking proyekto ito pero kontrobersiyal ang tema.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Rein Entertainment at KC Global Media kung saang network ito ipapalabas. Hopefully, hindi ito ma-TRO (Temporary Restraining Order) dahil maselan ang kuwentong kanilang ilalahad sa publiko.
NAHAHARAP sa malaking challenge si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M dahil sa kanyang balikat iniatang ng TV5 ang pagpapasikat sa 16 Star Worx PH Block 1 artists.
Mataas ang expectation ng lahat kay Direk Johnny Manahan dahil marami siyang pinasikat noong siya ang namamahala sa Star Magic ng ABS-CBN.
Kabilang sa mga naging big stars na kanyang na-handle sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Maja Salvador at Jericho Rosales.
Si Mr. M ang nagsilbing mentor ng mga aspiring stars noon sa ABS-CBN. Kaya naman, iyon din ang inaasahan sa kanya ngayong nasa Kapatid Network na siya.
Pero ayon nga kay Mr. M, hindi lang ganda ang katangiang dapat taglayin ng isang nangangarap sumikat bilang artista. Kailangan ay may taglay itong X-factor o karisma.
Iyon ang madalas hanapin ni Johnny Manahan sa mga baguhang artista.
At sa 16 na Block 1 artists ng Star Worx PH, nakikita ni Mr. M na may susunod na sa yapak nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Maja Salvador at Jericho Rosales. Hindi ito instant success kundi huhubugin muna sila upang maging ganap na total artist.




Comments