SM Supermalls, nakiisa sa bayanihan bakunahan
- BULGAR
- Dec 7, 2021
- 4 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | December 07, 2021

Hello, Bulgarians! Sa hangarin nitong palakasin pa ang paglulunsad ng pagbabakuna sa COVID-19 sa Pilipinas, nakiisa ang SM Supermalls sa pagsisikap ng gobyerno na mabakunahan ang 9 milyong Pilipino sa buong bansa, simula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Tinaguriang Bayanihan Bakunahan, ang seremonyal na paglulunsad ng tatlong araw na vaccination drive sa SM City Masinag na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte;
Secretary Carlito Galvez, Jr., National Task Force against Coronavirus Disease-2019 (NTF COVID-19) chief implementer; Health Secretary Francisco Duque III; Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chair, Senate Committee on Health and Demography; Defense Secretary Delfin Lorenzena; Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares; SM Supermalls President Steven T. Tan; mga miyembro ng COVID-19 Inter-Agency Task Force; Kalihim ng Gabinete; at partner mula sa pribado at pampublikong sektor.
Ang Bayanihan Bakunahan ay magkatuwang na pagsisikap ng gobyerno, sa pangunguna ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, kasama ang iba’t ibang komunidad at pribadong organisasyon.
“This multi-sectoral event is a resounding expression of our Bayanihan spirit, which coincides with the nation’s observance of Bonifacio Day on November 30. The heroic example of Gat Andres Bonifacio’s courage resonates in each of us as we work together to fast-track and intensify our efforts to overcome this pandemic,” ani Pangulong Duterte.
Ang Bayanihan Bakunahan ay inilunsad para mapataas ang saklaw ng bansa sa 70% sa unang dose at upang madagdagan ang mga booster jab sa 16 rehiyon sa labas ng Metro Manila. Ang second wave ng pagbabakuna ay nakatakda ngayong Disyembre 15 hanggang 17.
“The concept of Bayanihan Bakunahan is that you and I, we’re both heroes. And we can be heroes if we vaccinate ourselves against COVID-19, not only for ourselves and our families but also for the people around us,” saad ni Ma. Florinda Princess E. Duque, Director IV, Bureau of Communications Services.
Sa nasabing event, binanggit ng gobyerno na inaasahan ng Pilipinas na mabakunahan ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon kabilang ang 80% ng mga menor-de-edad na 12 hanggang 17. Sinabi rin ni Pangulong Duterte na hinahangad ng gobyerno na kompletuhin ang mga booster shot ng fully-vaccinated seniors, health workers at mga taong may comorbidities sa pagtatapos ng 2021. Noong Nobyembre, mahigit 35 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan.
“It is safe to say that we have enough COVID-19 vaccine doses for the National Vaccination Days. The national government is continuously working with the local government in terms of vaccine supply. Also, preparations have been done beforehand so that we can reach our goal of inoculating 3 million individuals per day,” pahayag ni Communications Director Duque.
Sa ilalim ng pagtutulungan, bubuksan ang SM Supermalls, kasama ang mahigit 8,000 vaccination sites, para ma-accommodate ang target na populasyon. Sa ngayon, ang SM Supermalls ay nakapagbigay na ng 6 milyong doses ng mga bakuna para sa COVID-19 sa mahigit 71 malls sa buong bansa, sa bilang na iyon 200,000 ang batang may edad 12 hanggang 17 na na-inoculate sa 45 malls.
“We at SM Supermalls have always believed that getting vaccinated is the best defense Filipinos have against the COVID-19. In the past months of working together with the government, we have achieved great things. We thank the government for the opportunity to serve the country and our fellow Filipinos as we open more convenient and accessible mall vaccination sites nationwide,” pahayag ni SM Supermalls President Steven Tan.
Bukod sa pagbubukas ng 66 mall vaccination sites, inihayag din ng SM Supermalls ang partisipasyon ng National University sa gawaing ito. Mahigit 500 alumni, empleyado, at estudyante mula sa nasabing unibersidad ang nagparehistrong volunteer sa panahon ng Bayanihan Bakunahan.
Sa tatlong araw ng Bayanihan Bakunahan event, ang mga Pilipino ay maaaring mag-walk in at magparehistro sa mga natukoy na lugar. Para sa mga nasa hustong gulang na gustong magpabakuna, kinakailangang magdala ng government-issued ID at medical certificate para sa mga may comorbidities. Hinihikayat din ang mga buntis at nagpapasusong ina na magpabakuna.
Para sa mga batang edad 12 hanggang 17, kailangang dala ng magulang/guardian ang sumusunod: anumang valid ID ng magulang/tagapag-alaga, birth certificate, baptismal, o pasaporte ng bata. Para sa mga batang may panganib sa kalusugan, ang mga magulang/tagapag-alaga ay pinapayuhan na kumuha ng medical certificate mula sa pediatrician ng kanilang anak na nagpapakita na ang bata ay karapat-dapat para sa pagbabakuna. Kung ang parehong magulang ay hindi available sa araw ng pagbabakuna, kailangang ang authorization letter na nilagdaan ng mga magulang/guardian na may valid ID.
At para sa mga nabakunahan, ang mga booster shot ay ibibigay lamang sa mga nagkaroon ng kanilang 2nd dose nang hindi bababa sa 6-buwan. Ang indibidwal na mag-a-avail ng booster shot ay dapat magpakita ng kopya ng kanilang vaccination card.
Bukod d’yan, hinihikayat din ang nabakunahang indibidwal na magboluntaryo sa kani-kanilang LGUs para maging vaccine advocates sa kanilang komunidad.
“Let us be heroes in this fight against COVID-19. Get vaccinated, volunteer, and encourage your families, friends, workplaces, and communities to get jabbed. Let us all strive to make this Christmas safer and better for the people we value most. Because it is only through our collective will to put an end to this crisis will we be able to build back better for a brighter future,” pagtatapos ni Tan.
Para sa karagdagang impormasyon at up-to-date na balita sa mga iskedyul ng pagbabakuna sa SM malls sa inyong LGU, sundan ang @smsupermalls sa lahat ng social media platforms.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments