Skipman Alonzo, naitala sa Guinness World Record
ni MC - @Sports | October 05, 2021

Kauna-unahan sa isang Pinoy na makapagtala ng impresibong world record lalo na sa Guinness sa katauhan ng sportsman na si Ryan Ong Alonzo nang magpakita siya ng ekstraordinaryong bilis at endurance nang burahin niya ang dating world record holder para sa double under skips sa ginanap na Jump to Greater Heights event sa Ayala Malls Circuit, Makati noong Sabado.
Nahigitan pa ng 34-anyos na isang ama na kung tawagin ng kanyang mga kakilala na "Skipman" ang 20,000 double skips nang makapagtala siya ng 21,327 double matapos ang 6 na oras.
Sa nasabing jump rope, ang kategoryang double under ay dapat nilulundag ng kalahok na mas mataas pa sa rope na nagsu-swing sa ilalim ng kanyang paa. Sa sumunod pang 6 na oras ay nakapagtala siya ng kabuuang 40,980 skips.
Bago pa man sumabak si Alonzo sa Guinness World Records, bagamat may iniindang pamumulikat, sinanay siya ng kanyang mentor na si Gadric Chusenfu.
Aayaw na rin sana siya sa gitna ng pagi-skip pero ang sariling pamilya niya ang buong-pusong nagtsi-cheer para sa kanya. "I'm out of words, it is super overwhelming. Halfway through my legs were cramping. I didn't expect talaga na maaabot ko pa and when you guys started cheering parang becoming happy lang, suddenly mataas na pala number ko in that hour," saad ni Alonzo.
Parang isang marathoner na sinanay si Alonzo para pisikal na mapaghandaan ang challenge, kung saan pinag-ibayo ang kanyang bilis, endurance at lakas.





Comments