top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Skateparks, hiniling ni Didal na madagdagan pa sa bansa

  • BULGAR
  • Aug 20, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | August 20, 2021



Paghahandaang mabuti matapos ang isang phenomenal performance sa nagdaang Tokyo Olympics ni street skater Margielyn Didal ang pagsabak sa qualifying sa 2022 para sa Paris Olympics 2024.


Nakapokus ngayon si Margielyn sa pagpapalakas ng kanyang kondisyon para sa susunod niyang kompetisyon, kabilang na ang paglahok sa Street League sa Salt Lake City, Utah bago matapos ang Agosto. “The Olympics in Paris is the next goal, but now we’re focused on making sure Margie recovers and gets to compete at all the upcoming qualifying events,” ayon sa kanyang mentor na si Coach Dani.

"Epic" umanong maituturing para kay Margielyn ang paglahok sa Olympics dahil buong mundo nanonood sa iyo. Ang kaibahan lang sa preliminary at final rounds ay parang sa nakaraan niyang kompetisyon. Bumaha sa social media ang personalidad na masayahin ni Margielyn sa kabuuan ng kompetisyon. Nagtsi-cheers pa siya sa kanyang kalaban lalo na kay silver medalist Rayssa Leal. "As a skater, you go into a competition with the attitude that you cheer each other on and wish everyone success," paliwanag niya.

Sa naging performance ni Margielyn sa Olympics nanawagan siya sa skateboarding leaders ng Pilipinas na ibayo pang suportahan ng gobyerno at pribadong sektor ang naturang sport. Hiniling niyang magkaroon ng karagdagang skateparks sa bansa upang mas mahasa pa ang mga kabataang may mahuhusay ding talento sa skateboard. Kasama na rin ang pagbibigay ng training sa mas batang skateboarders para sa international competitions na sinang-ayunan ni coach Dani at aniya mahalaga para umangat ang sport sa bansa.


"There is a lot of talent here in the Philippines, and we hope this will be the start of even better results, with younger people on the podiums of major competitions in the near future," paliwanag ni Coach Dani.


Inaasahan ni Margielyn na ang ibinahagi niyang ito ay makapagbigay inspirasyon sa ibang atleta. "Nothing is impossible. "Dream big, because I never dreamed I would be in the Olympics and yet here I am. As long as you are having fun doing your sport, just keep going."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page