top of page
Search
  • BULGAR

SITCOM NI MICHAEL V. SA GMA-7, STOP MUNA

ni Nitz Miralles @Bida | April 20, 2024




May lumabas na photo na naggu-group hug ang cast ng Pepito Manaloto at kuha yata ang larawan sa last taping day ng sitcom. Nagulat at nalungkot ang mga fans at loyal viewers nito sa pag-aakalang magtatapos na ang show.


Nawala lang ang lungkot nila nang mabasa na magkakaroon ng season break ang Pepito Manaloto para bigyang-daan ang Season 2 ng Running Man Philippines. Sa time slot kasi ng sitcom na bida sina Michael V. at Manilyn Reynes papasok ang RMP.


Hanggang May pa naman ang airing ng Pepito Manaloto dahil sa May 11 at May 12 pa ang premiere ng RMP. Saka, season break lang ito, babalik din ang program after RMP at mapapanood pa rin ang Manaloto Family.


Pabor ang mga loyal viewers ng Pepito Manaloto na magkaroon ito ng season break para pagbalik ay fresh ideas ng mga writers ang mapapanood. Hindi rin daw nila mami-miss si Michael V. dahil patuloy siyang mapapanood sa Bubble Gang.


May comment nga si Michael V. tungkol dito, “Pepito Manaloto is more than just a fictional family on TV. It’s a real family that extends to its cast, writers, staff, crew, the network and most of all, our beloved audience. Maraming-maraming salamat po sa oras at pagmamahal ninyong lahat.”


May caption pa si Michael V na: “Not Goodbye” sa group hug ng cast na na-post. 


Hindi lang maiwasan na may mga malungkot pa rin, pero babalik ang Pepito Manaloto at abangan ang kanilang pagbabalik.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page