top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sising-sisi raw talaga, Ricci… ANDREA, TINALIKURAN ANG MGA BFF PARA SA EX-BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 22, 2023



Inamin ni Andrea Brillantes na dahil sa isang lalaki ay kinalimutan niya ang kanyang mga kaibigan at buong mundo.


Sa vlog ng young actress/YouTuber na si Bea Borres ay kasama niya si Andrea and dalawa pa nilang friends at napag-usapan nila ang kanilang mga past boyfriends.


Isa sa mga tanong na sinagot nila ay kung nagawa na ba nilang talikuran o kalimutan ang friends at ang buong mundo dahil sa isang lalaki at mabilis namang umamin si Blythe (real name ni Andrea).


‘Yun nga lang, hindi na sinabi pa ni Andrea kung sino ang ex na ito.


“Pero talaga, pinagsisisihan ko. Actually, Taglish talaga ako before. Inglesera ako. Matagal nu’n na hindi ako nakakapag-English, nakalimutan ko na, pumangit English ko,” sey ni Andrea.


“At tinalikuran ko kayo,” sey pa niya sa 3 kaibigan.


Dagdag pa ng aktres, nag-try daw talaga siya na mapabilang sa mundo ng kanyang ex.


“Alam mo ‘yun? Tinray (try) ko talagang maki-belong,” sambit niya.


Pagbubuking naman ni Bea, “Tapos ‘di ba, after ng issue, nagpapa-video greet pa sa ‘yo?”

Sagot naman ni Blythe, “Oo.”


Pero nang mag-break naman daw sila ay bumalik na siya sa mundo niya.


Hindi namin alam kung sino ang ex-BF na ikinukuwento ni Andrea, pero we all know na ang last relationship niya ay si Ricci Rivero na isang basketball player.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page