top of page

Sising-sisi ngayon... VICE, IN-ENJOY NANG TODO ANG KABAKLAAN, 'DI NAKAGRADWEYT

  • BULGAR
  • Jun 21, 2021
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 21, 2021




Sa episode ng It's Showtime noong Sabado (June 19), inalala ni Vice Ganda ang kanyang yumaong ama na si Reynaldo Viceral na dating barangay captain sa kanilang lugar sa Tondo, Manila kasabay ang pagbati ng "Happy Father's Day."


Binaril nang malapitan ang kanyang ama sa harapan mismo ni Vice kaya traumatic pa rin sa kanya hanggang ngayon ang brutal na pagpatay sa kanilang padre de familia.

Mailap pa rin sa kanila ang hustisya dahil hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang mga bumaril sa kanyang tatay.


Sa panayam kay Vice ng mga editors ng Summit Media sa nakaraang Sandwich Session, magaan na nitong ikinuwento ang isa sa mga episodes ng kanyang buhay — ang tungkol sa kanyang tunay na kasarian na ramdam na niya kahit noong siya'y totoy o musmos pa.


“When my tatay died, bata pa ako noon, twelve years old, so hindi pa ako baklang-bakla. Alam ko na sa sarili ko na bading ako, sa school, sa mga kaibigan ko, bading ako, pero sa bahay, hindi.


"Matigas ako, I was really hiding my gender expressions. I was hiding my gender identity, everything about my sexuality, my personality, itinatago ko.


“I was wearing a mask, bunsong lalaking anak, ‘yun ang projection ko sa bahay namin,” pag-alala pa ni Vice.


Kung puwede pa raw ibalik ang nakaraan 20 years ago, may gusto siyang sariwain at patunayan sa sarili.


Aniya, “I really enjoyed fully my youth except for one. Kung babalikan ko siya, sasabihin ko lang sa kanya is to prioritize my education.


“Because at that time, I really enjoyed my discovery and realization about my gender identity and my sexuality, my own person.


“When I discovered that, in-enjoy ko lahat ‘yung full potentials ko as a gay person, in-enjoy ko nang bongga and it resulted… napabayaan ko ‘yung studies ko.


“I wasn’t able to graduate Political Science at sa aming magkakapatid, sa aming lima, kahit hirap na hirap ‘yung nanay ko, gumradweyt ng college lahat ng magkakapatid except (from) me.


“That’s the one thing na I wasn’t able to give my parents, that gift of diploma. Hindi ko talaga naibigay iyon kaya bumabawi ako sa ibang paraan ngayon.


“‘Yun ang pride na naibigay ng lahat ng kapatid ko, pero I wasn’t able to supply that to my family, so I’m trying my very best to make it up sa ibang bagay.


“So, kung babalik ako at saka sa mga may privilege na makapag-aral ngayon, don’t waste that privilege because a lot of people are deprived.


“A lot of people are trying so hard just to get that chance and privilege to have education, so don’t waste it dahil napakahalaga, especially now, na nag-e-evolve ang mundo.


“Maraming discoveries, ang complicated ng evolution, but still, education is the major thing na kailangang hindi mawala,” non-stop nitong kuwento.


Sa ngayo'y busy si Vice sa preparasyon ng kanyang kauna-unahang concert sa gitna ng pandemya at ngayong July 17 na ito — ang Gandemic: The VG-Tal Concert with Ice Seguerra and his It's Showtime co-host Anne Curtis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page