Homily na gawang AI, sapul kay Cardinal Tagle

ng BRT @News | October 29, 2026

Photo: Luis Antonio G. Cardinal Tagle - FB
Nagpaalala si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga pari laban sa labis na pag-asa sa artificial intelligence (AI) sa paghahanda ng kanilang homiliya o sermon sa misa.
Binigyang-diin ng kardinal na ang pangangaral ay dapat nakaugat sa personal na pananampalataya, malalim na pagninilay at tunay na karanasan sa Salita ng Diyos.
Mahalaga umanong manggaling sa sariling puso at pag-unawa ng pari ang mensaheng ibinabahagi sa mga mananampalataya, sa halip na ipaubaya lamang sa teknolohiya ang paggawa nito.





Comments