PNP, nagbukas ng hotlines vs. Bato

by Jeff Tumbado @News | October 29, 2026

Photo: Bato Dela Rosa at ICC / File
Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng 24-hour hotlines para sa mga may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na pinaghahanap kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng P50-milyong pabuyang inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
Ayon kay PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co, maaaring tumawag sa mga sumusunod:
Globe: 0927-307-3501 / 0995-512-2729 / 0945-611-5926
Smart: 0999-361-9878 / 0960-692-3025
Emergency Hotline: 911
Nagbabala ang PNP na maaaring kasuhan ang mga magbibigay ng maling impormasyon o gagamit sa mga hotline bilang biro.





Comments