Grade 12, kulong sa rape

ni Maeng Santos @News | October 29, 2026

Photo: File
Isinelda ang 19-anyos na Grade 12 student matapos arestuhin ng pulisya dahil sa kasong panggagahasa sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang operasyon laban sa akusado na residente ng Brgy. Malinta at nakatala bilang No. 3 Top Most Wanted sa NPD.
Alas-4 ng hapon nang tuluyang masukol ng pinagsamang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section, RIU-NCR at iba pang Intelligence units ang akusado sa Brgy. Malinta.
Inaresto ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, noong October 15, 2026 para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.





Comments