Search
  • BULGAR

Sinulsulan ni Sen. Lito… COCO, AYAW PAAWAT, GAME NA GAME NA RAW SA 2022

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 04, 2021




How true na may mga kumukumbinse umano kay Coco Martin na tumakbo sa 2022 elections? Pinag-iisipan umano itong mabuti ng bida sa FPJ’s Ang Probinsyano.


Majority daw kasi ang nag-a-advice sa kanya na huwag pasukin ang pulitika. Pero, hindi raw makakapigil sa aktor ang payo ng mga kaibigan para tahakin nito ang pulitika. Determinado na raw kasi si Coco na i-push through ang kanyang political plans.


Isa nga raw sa mga kumukumbinse kay Coco ay ang dati niyang nakasama sa AP na si Senador Lito Lapid. Matatandaang malaki ang naitulong ni Coco kay Sen. Lito na makabalik sa Senado.


If totoo ngang eentra na sa politics si Coco, ibig bang sabihin nito ay matatapos na ang longest-running action serye niya sa ABS-CBN na Ang Probinsyano?


Marami ang nagsasabing mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Maaatim ba niyang tanggapin ang mga atake ng mga kalaban kapag nasa mundo na siya ng pulitika?


Anyway, wala pa namang kumpirmasyon mula sa aktor kung tatahakin nga niya ang landas ng pulitika.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.