Looks lang daw ang nakuha sa tatay… ALICE, PROUD NA SA KANYA NAGMANA NG TALINO ANG ANAK

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 28, 2026

Photo: Alice Dixson sa Fast Talk with Boy Abunda - YT
Masayang ibinahagi ng aktres na si Alice Dixson na kuntento at masaya siya sa kanyang love life nang maging guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam, kinumusta ng King of Talk na si Boy Abunda ang lagay ng puso ng aktres.
“Kumusta naman ang lagay ng puso mo ngayon?” tanong ni Boy.
“Never been better. Fulfilled. Happy. Content... because, you know, everything that I’ve wanted in my life has arrived in this chapter. And so, inaalagaan ko na lang,” sagot ni Alice.
Tinanong din ni Boy kung nasa Pilipinas ang partner ni Alice.
“Yes, in the Philippines... because I asked kung puwedeng maghanap na lang s’ya ng work dito sa Pilipinas,” sagot ng aktres.
Ito ang pakiusap ng aktres sa kanyang partner dahil hindi madali para sa bata ang lumaking malayo sa kanilang mga magulang.
Ibinahagi rin ni Alice kung gaano kalaki ang naging pagbabago sa kanya ng pagiging ina.
“It was a long one but I must say na Aura is my magnum opus (great work) in life. She’s my continuing journey of always wanting to motivate myself.
“She is my inspiration and my motivation to become a better person. I never really knew how much motherhood could change me for the better. And I want to nurture someone to become a better version of themselves more than what I have achieved,” ani Alice.
Nang tanungin kung ano ang namana ni Aura sa kanya, pabirong sagot ni Alice, “She got her dad’s looks, but my brains.”
Hindi rin pinalampas ni Boy ang pagkakataong tanungin si Alice kung bakit wala itong naging boyfriend na artista.
“Bakit wala kang naging boyfriend na artista?” tanong ng King of Talk.
“Who said wala?” pabirong sagot ni Alice.
“Actually, marami akong manliligaw na artista. Pero officially, wala akong naging, and unofficially, wala talaga akong naging boyfriend,” dagdag pa niya.
Nang usisain kung sinadya ba niyang hindi pumasok sa isang relasyon sa mga artistang nanligaw sa kanya, sinabi ni Alice na wala lang talaga siyang nakitang sapat na interesante sa mga ito.
“Because I never really found anybody that interesting... I’m not into looks so much. I’m more of, you know, who you are inside. And if you happen to be handsome or beautiful, bonus na lang s’ya,” paliwanag ng aktres.
Samantala, napag-usapan din sa panayam ang nag-viral na video nina Alice, Marian Rivera at Anne Curtis na muling nagpasaya sa mga netizens bilang tatlong Dyesebel.
Ayon kay Alice, aksidente lamang ang pagkakabuo ng kanilang TikTok video.
Kuwento niya, una niyang nakausap si Marian noong rehearsals at niyaya niya itong gumawa ng reel. Pumayag naman ang aktres.
Bago sila ipakilala bilang mga hurado, nakita nila si Anne sa backstage. Nagtanong ito kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, kaya sinabi ni Alice na gagawa sila ng video at tinanong kung gusto rin nitong sumali.
Game na game naman si Anne, na siya pang nagturo sa kanila ng mga galaw para sa kanilang giling-giling video.
Nang sabihin ng business coordinator niya na tatlong Dyesebel sila sa video, saka lamang ito napansin ni Alice.
“I didn’t realize it also na that was the scenario... the two TV Dyesebels, and then one film Dyesebel, nagkasama-sama,” kuwento ni Alice.
Dahil dito, mabilis na nag-viral ang video ng tatlong Dyesebel na sina Alice, Marian at Anne.
Well, in fairness, super-gaganda nilang tatlo. Pak na pak ang beauty ng bawat isa!





Comments