Sinibak na mga korup sa Customs, huwag puro bilang, ilantad ang mga pangalan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 9, 2026

WARDEN NA NAGBIGAY NG ALA-MAFIA STYLE NA VIP TREATMENT KAY CONG, ROMUALDEZ, LAGOT KAY OMBUDSMAN REMULLA — Umuusok sa galit si Ombudsman Boying Remulla sa nabulgar na may sariling staff si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez na nagbabantay sa kongresista sa loob ng Quezon City Jail, na ayon sa kanya ay istilong "mafia" raw ang ganito.
Kaya nasabi ni Ombudsman Remulla na ala-"mafia style" ito kasi sa ibang bansa, ang mga lider ng "mafia" ay binibigyan ng VIP treatment sa mga kulungan.
Lagot talaga rito si QC Jail Warden, Supt. Ma. Lourdes Pacion kasi sa galit ni Ombudsman Remulla, malamang sibak sa serbisyo ang aabutin niya, abangan!
XXX
TULOY ANG LABAN NI ATTY. MACALINTAL PARA MATULOY ANG 2026 BSKE KAYA HUWAG MUNANG MAGSAYA ANG MGA CORRUPT NA BARANGAY OFFICIALS SA DESISYON NG SC NA “NO ELECTION” — Sa kabila ng desisyon ng Supreme Court (SC) patungkol sa pagpapatibay sa 5-year term ng mga barangay officials at pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong November 2026, at pagtatakda ng halalang pambarangay sa November 2028, ay sinabi ni election lawyer Atty. Romy Macalintal na hindi pa rin daw niya isusuko ang laban para matuloy ang BSKE 2026.
Ibig sabihin niyan, magsasampa si Atty. Macalintal ng motion for reconsideration, at dahil d’yan ay huwag na munang magsaya ang mga incumbent barangay officials, kasi nga hindi pa tapos ang laban ng election lawyer para matuloy ang BSKE ngayong year 2026, period!
XXX
KUNG TOTOONG MAY MGA TINANGGAL SIYA, DAPAT PANGALANAN NI COMM. NEPOMUCENO ANG MGA CORRUPT NA UMANO'Y KANYANG SINIBAK SA CUSTOMS — Ibinida ni Customs Comm. Ariel Nepomuceno na mahigit 30 mga opisyal at personnels daw ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa katiwalian ang sinibak niya sa puwesto.
Eh ang tanong: Totoo ba 'yan, o pabida lang ni Comm. Nepomuceno sa publiko.
Para mapaniwala ni Comm. Nepomuceno ang publiko na totoong may mga sinibak siya, dapat ay isapubliko niya ang mga pangalan ng mga tinanggal niya at kung ano ang rason ng kanilang pagkakasibak sa Customs.
Pero kung hindi niya papangalanan ang kanyang mga sinibak, malamang pabida lang ni Comm. Nepomuceno na may mahigit 30 opisyal at personnels siyang tinanggal sa Customs, boom!
XXX
DAPAT LANG I-LIVE STREAMING ANG BICAM CONFERENCE BAKA SAKALING DAPUAN NG HIYA ANG MGA LAWMAKERS NA MAGSINGIT NG 'PORK BARREL PROJECTS SA 2027 NATIONAL BUDGET — Isusulong ni Sen. Ping Lacson ang live streaming sa Bicameral Conference para sa transparency ng 2027 national budget.
Aba'y mainam 'yan, at baka sakali kapag naka-live streaming ang bicam conference ay dapuan ng hiya ang mga lawmakers na magsingit o mag-insert ng pork barrel projects sa 2027 national budget, period!





Comments