top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

18-anyos lang ang kapalit sa 28-anyos na aktres… PAUL, SELOS DAW KAY JEO NA BET NG FANS PARA KAY MIKEE

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 9, 2026



Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT

Photo: Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT



Gustong malaman ng mga netizens kung galing ba talaga sa aktor na si Paul Salas ang comment na “‘Di naman sila bagay,” na ang tinutukoy ay ang pagsi-ship ng mga fans ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa ex-girlfriend niyang si Mikee Quintos at sa co-housemate nitong si Jeo Ong.


Kailan daw ito sinabi ni Paul? At kung sinabi man, may halong pagseselos daw. 

“Selos ‘yan?” ang comment ng mga fans. 


Inisip na lang nila na baka ang age gap nina Mikee at Jeo ang pinagbasehan ni Paul para sabihing hindi bagay ang dalawa.


Ten years kasi ang age gap nila – 18 years old lang si Jeo at si Mikee ay 28 years old na. May mga comments na hindi na sila bagay at mukhang mag-ate lang. 


Kaya lang, ayaw papigil ng mga nagsi-ship kina Mikee at Jeo at tinawag pa nga nila ang sarili na shipper ng JeKee love team.


May pakiusap din sila sa mga kontra sa shipping nila na huwag na silang pakialaman dahil harmless ito. Alam naman nilang hanggang Bahay ni Kuya lang ang love team nila at paglabas, kani-kanya na ang dalawa. Sa ngayon, hayaan daw silang kiligin.


Samantala, mabilis ang pagdami ng mga followers ni Mikee sa Facebook (FB). Two days ago, 7 milyon pa lang, ngayon ay 7.8M na. Sey ng mga fans, bago ma-evict sa Bahay ni Kuya si Mikee, paaabutin nila ng 10M at sa rami ng bagong sumusuporta sa Kapuso actress, mukhang matutupad ang wish nila.





After banatan, kinantiyawan naman…

XIAN, NANAWAGAN KAY ALDEN NA BAYARAN ANG P3M HOSPITAL BILL NI ATE GAY



TULOY ang suporta ni Alden Richards sa film industry at noong isang araw, nagpa-block screening siya ng GMA Films na Red Crown. 


Sa kanyang speech, nakiusap ang aktor sa mga present sa block screening na magtulung-tulong na ipaalala sa mga tao na ‘cinema is not dead’ at kailangan lang ng suporta ng manonood.


Samantala, may Instagram (IG) Story post si Alden na may suot na bagong relo. Biro ng mga fans nito, para raw kay Xian Gaza ang post ng aktor dahil may ire-report na naman ito, kahit nagsabi na itong ititigil na niya ang pagpo-post ng negative tungkol kay Alden.


Pero parang negative pa rin ang post ni Gaza na kinol-out ang aktor. Nanawagan siya kay Alden na sagutin ang P3 milyong hospital bill na naiwan ni Ate Gay. 

Sa FB post nito, hiniling niya sa aktor na tulungan ang pamilya ng pumanaw na komedyante.


“Nananawagan po kami kay Mr. Alden Richards na bayaran ‘yung P3M na hospital bill ni Ate Gay kasi ‘di malaman ng kanyang pamilya kung saan kukuha ng pambayad. Alang-alang sa pinagsamahan. Alam ko na mayaman at may mabuting puso si Alden,” post ni Xian.


Marami naman ang tumulong sa pamilya ni Ate Gay. Siguro by this time, nabayaran na ng pamilya nito ang dapat bayaran.


Puwedeng tumulong si Alden pero hindi niya obligasyong sagutin ang hospital bills ni Ate Gay.





PAULIT-ULIT na binanggit ng VMX (Vivamax) star na si Joy Basa si Wilbert Ross sa mediacon ng pinagbibidahan niyang pelikula na Hot Moves. 


Nothing romantic naman ang pagbanggit nito sa pangalan ng singer-actor at walang dapat ikabahala ang WilBea (Wilbert & Bea Binene) fans. Gusto lang daw niya itong makatrabaho at wala siyang balak na agawin ito sa ka-love team na si Bea Binene.


Nababaitan at nagagalingan daw siya kay Wilbert, kaya gusto niyang makatrabaho. Kaya lang, parang walang ibang kilalang actor si Joy dahil nga laging ito ang isinasagot sa mga tanong. Kailangan na bang magselos ng WilBea fans?


Anyway, bukas na, November 10, ang streaming sa VMX ng Hot Moves, na sina Joy at Denise Esteban ang mga hosts. KJ (killjoy) lang si Joy, hindi nagbigay ng sample nang pakiusapan ng press. 


Second movie pa lang ni Joy ang 70-minute special feature pero nag-enjoy na siya sa pagiging artista at looking forward for more projects na pagbibidahan niya sa VMX. She’s open to more sexy and daring projects, and she’s ready.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page