Maraming negosyo ang ‘di na umabot ng Pasko, saklap!

ni Ka Ambo @Bistado | November 9, 2026

Nagdesisyon na ang Korte Suprema.
Kinatigan ang pagpaliban sa BSKE tungo sa Nobyembre 2028.
----$$$--
NAGPAGULONG-GULONG sa sahig ang mga incumbent barangay officials sa sobrang tuwa.
Extended ang kanilang termino nang dalawang taon.
----$$$--
ITINALAGA na si Chief Justice Rodil Zalameda.
Naimbiyerna ang mga maka-Sara.
-----$$$---
NASIBAK ang pangulo ng Paraguay nang bumagsak ang isang malaking bangko.
Idinawit siya sa anomalya.
-----$$$---
NAKOPO ng mga Democrats ang mga puwesto sa US Congress.
Delikadong ma-impeach si US President Trump.
-----$$$--
DELIKADO rin si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na kinapos ng boto sa nakaraang eleksyon ng mga mambabatas.
Hindi malinaw kung mananatili siya sa puwesto
-----$$$--
GINIYERA ng US at Israel ang Iran sa iisang mithiin: Regime Change!
Ang resulta?
Walang missile na pinasabog, pero aktuwal na may “Regime Change” sa US at Israel!
-----$$$--
UMAATAKE na ang cyber hackers sa iba’t ibang panig ng mundo.
Iyan ang delikado.
----$$$--
DIRETSO sa pagbagsak ang piso.
Nangiti ang mga OFW.
Malaki ang palit sa isang dolyar.
-----$$$--
NAKA-READY na ang NCR sa hosting ng 49th ASEAN Summit.
Dadalo si Trump, pero absent si Xi Jin Ping.
O, eh, ano ngayon?
-----$$$--
PINANINIWALAANG lalagdaan ang kasunduan sa Pax Silica.
Mula sa dikta ng mga dayuhan.
-----$$$--
ARAW-ARAW na ang debate sa ICC.
Kasi’y lilitisin na si Digong.
Hindi kaya kidnapin siya ng US Seals para ibalik sa ‘Pinas?
----$$$--
TAG-INIT na.
Kapos ang isang timbang tubig kapag naligo.
-----$$$--
Marami nang negosyo ang nagsarado.
Hindi na sila umabot pa ng Pasko.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments