top of page

Sinibak na guro, dapat makatanggap ng backwages

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 5, 2023


Dear PAO,

Ako ay guro sa isang pampublikong paaralan. Sinampahan ako ng kasong administratibo sa Civil Service Commission Regional Office (CSCRO). Ilang buwan ang lumipas, naglabas ng desisyon ang CSCRO na nagtanggal sa akin sa serbisyo. Sa loob ng tamang araw, nag-apela ako sa CSC main office. Subalit, habang ang apela ko ay nakabinbin, naglabas ng order ang Department of Education (DepEd) na nagpapatupad sa dismissal order ng CSCRO. Ilang taon ang lumipas, naglabas ng desisyon ang CSC main office na kung saan three-month suspension na lang ang ipinataw sa akin. Karapat-dapat ba akong tumanggap ng back salaries? - Alan

Dear Alan,

Hindi nararapat na ipatupad agad ang dismissal order na ipinataw ng Civil Service Commission Regional Office (CSCRO) kung ito ay naiapela sa loob ng tamang araw sa Civil Service Commision proper. Ito ay sa kadahilanang ang nasabing desisyon ng CSCRO ay hindi immediately executory. Ang maagang pagpapatupad ng dismissal order ay magbibigay ng karapatan sa tinanggal na empleyado upang tumanggap ng back salaries, kahit na ‘di naman siya ganap na napawalang-sala sa kanyang apela. Ito ang pinaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman sa kasong Republic vs. Eulalia Maneja, G.R. No. 209052, June 23, 2021, na isinulat ni Kagalang-galang na Mahistrado Mario V. Lopez, kung saan sinabi ng Korte na:

“Clearly, effects of decisions of CSCROs are different from those of the heads of offices.


Specifically, decisions of secretaries and heads of agencies imposing removal are executory upon confirmation of the secretary concerned while decisions of the CSCROs imposing dismissal from the service are executory only when no motion for reconsideration or appeal is filed.

The Supreme Court in Abellera v. City of Baguio, et al, had the occasion to declare that premature execution of a decision dismissing an employee from government service could serve as basis for an award of back salaries.

Here, as in Abellera, CSCRO No. X’s decision was hastily executed pending Maneja’s appeal resulting in her dismissal despite the decision not being executory. Therefore, her suspension from December 2003 up to her actual reinstatement, is unjustified and without basis warranting the grant of backwages covering that period, notwithstanding the fact that she was not fully exonerated from her offense of dishonesty.”

Sa iyong sitwasyon, ipinatupad agad ng DepEd ang desisyon ng CSC regional office kahit na ikaw ay nagsampa ng apela sa tamang panahon. Dahil dito, narararapat lang na makatanggap ka ng back salaries mula sa araw na ika’y tinanggal sa trabaho hanggang sa iyong aktuwal na reinstatement. Bawas naman ang 3 buwang suspension na ipinataw ng CSC main office sa iyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page