top of page
Search
  • BULGAR

Single raw siya, Cassy… DARREN, BINANSAGANG ‘DENIAL KING’

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 15, 2024



Dati na palang may nakaraan sina Kyline Alcantara at Darren Espanto. Nasa ABS-CBN pa noon si Kyline at hindi pa lumilipat sa GMA Network.


Isa si Kyline sa mga babaeng na-link kay Darren, pero lahat sila ay best friend lang daw ang turing ng actor-singer at hindi umabot sa seryosong relasyon.


Unang na-link kay Darren si Ylona Garcia, then si Alexa Ilacad na tinatawag ni Darren na "Tita" dahil mas matanda sa kanya. 


Naging close rin si Darren kay Andrea Brillantes at kay AC Bonifacio. 


Ngunit ang greatest crush daw ni Darren ay si Kathryn Bernardo. 


Nagkakilala naman sila ni Cassy Legaspi nang mag-guest ito sa ASAP at du'n nagsimula ang kanilang closeness. Madalas na silang mag-travel together. Lagi ring dumadalaw si Darren sa bahay nina Cassy hanggang sa aminin niya sa programa ni Boy Abunda na more than friends na ang status ng kanilang relasyon.


But recently, sa It's Showtime ay sinabi ni Darren na wala siyang GF (girlfriend) ngayon.


Kaya ang tawag ng mga netizens ngayon kay Darren ay ‘Denial King’ at 'Pambansang Best Friend'.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page