top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Single na raw siya, Ricci… ANDREA, TODO-PAPANSIN SA ANAK NI INA NA SI JAKOB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 25, 2023



Hindi itinatanggi ni Andrea Brillantes na noon pa man ay crush na niya ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.


Sa bagong vlog ni Blythe (real name ni Andrea) ay may game sila ng mga kaibigan na

“Date or Pass” — a spinoff of Jojowain or Totropahin.


Sa vlog, natanong ang actress about her personal life, kasama na ang mga past relationships niya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay si Juan Karlos Labajo o JK.


“Ako, pass na ako kasi love-love ko si JK talaga. Gusto ko nasa buhay ko siya forever. Gusto kong best friend ko na siya forever,” sagot ni Blythe.


“I would pass, kasi na-date ko na siya before. Sobrang kalog nito, guys. Makakasundo talaga natin siya,” dagdag pa niya.


Nabanggit din niya ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, si Andres.

Childhood crush daw niya ito noon.


“For now, I would pass. Pero actually, childhood crush ko ‘to. Hindi n’yo alam. Na-outgrow ko ‘yung crush ko sa kanya. Nawawala na lang. Tapos naging friends ko na rin kasi ang friends niya.


Pero for some reason, our paths kasi, never nag-cross. Never ko siyang nakita — mga once or twice lang. So, baka ‘yung universe na ‘yung nagsasabi na ‘No.’”


Pero, nakakausap pa rin daw niya ang kambal ni Andres na si Atasha.


“Pero ‘yung sis niya, nakakausap ko. Ang ganda ng kapatid niya. And she’s super nice,” ani Andrea.


Na-mention din si Jakob. Pag-amin ng young actress, she always had a crush sa anak ng dating sexy actress na si Ina.


“I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati, nagpakilala siya sa akin. I was with Bea, kaso ka-holding hands ko ‘yung ex ko nu’n. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya ‘Hey, I’m Jakob,’” sambit ni Andrea.


“Guwapung-guwapo na ako sa kanya dati pa,” dagdag pa nito.


Mensahe niya kay Jakob, “Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now.”


Ang anak ni Ina ay turning 19 years old pa lang. Biniro tuloy si Andrea ng kanyang mga kaibigan, pero aniya, “Date lang naman.”


Pahabol pang biro ni Blythe, “Pero if single ka, baka puwede ‘yung sister mo na lang. I would date Erika.”


Nabanggit din si Kyle Echarri, na ayon sa aktres, never daw silang nag-date ng aktor.


“Pass for now, kasi kakabalik lang namin sa buhay ng isa’t isa. Mag-best friends pa kami.


Siguro in the future, ewan ko, I would date him,” aniya at du'n na nag-end ang game nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page