Singer, todo-selos noon sa sexy star… ERIK KAY ANGELINE: ‘WAG KANG MAG-ALALA, MAS MALAKI ‘YUNG SA ‘YO KESA KAY RUFA MAE

ni Vinia VIvar @Frankly | October 9, 2026

Photo: IG _eriksantos YT Iwant
Inamin ni Angeline Quinto na nagselos siya talaga noon kay Rufa Mae Quinto, na ex-girlfriend ni Erik Santos.
Matatandaan ding nagkaroon ng ‘something’ noon sina Erik at Angeline.
Sa latest episode ng The Angeline Quinto Show sa iWant TV na mapapanood din sa YouTube (YT), guest si Erik at dito ay naungkat ang kanilang nakaraan.
Sey ni Angeline, “Alam na alam po nating lahat na sa buhay ni Erik Santos, may dalawang Quinto – Angeline Quinto at…”
Ang audience na ang nagtuloy, sigaw nila, “Rufa Mae Quinto!”
Sey ni Angeline kay Erik, “Feeling ko kasi, sa aming dalawa ni Ate Rufa Mae, mas love mo s’ya kaysa sa ‘kin.”
Ayaw namang mag-comment ni Erik pero inusisa pa rin siya ni Angeline.
“Bakit ‘no comment’?” tanong niya.
Sagot naman ng male singer, “Mas matagal tayo kaysa sa ‘min.”
Sigawan sa studio habang tawa naman nang tawa si Angeline.
“Alam ko naman na mas matagal tayo kaysa sa inyong dalawa. Kaya umabot din sa point, Pogs, ‘di ba, ‘pag meron tayong mga shows abroad, ewan ko, dahil siguro medyo bata-bata pa ako nu’n, talagang nagseselos ako sa kanya,” pag-amin ni Angeline.
“Pero Pogs, ‘di ba, naalala mo, pinagseselosan ko s’ya dati?” tanong pa niya kay Erik.
Sagot naman ng singer, “Oo nga, eh. Ang tagal na nu’n. Naka-move on na lahat, ikaw, ayaw mo mag-move on.”
Sey naman ni Angeline, “‘Di ko alam kasi, nagulat lang din ako, pareho kami ng apelyido. O mahilig ka talaga sa malaki ‘yung… Alam mo ‘yun?”
Natawa si Erik at sinabing “‘Wag ka mag-alala, ‘Ge, mas malaki ‘yung sa ‘yo.”
Napahalakhak naman nang malakas si Angeline at ang tagal na puro lang tawanan ang nangyari’t hindi sila nakapagsalita.
Paglilinaw naman ni Erik nang mahimasmasan, “Mas malaki ‘yung puso mo na magmahal.”
Dagdag pa niya, “‘Di, pero malaki rin ang puso ni Rufa Mae na magmahal. Mabait ‘yun, eh. Napakabait din.”
Sumang-ayon naman si Angeline sa papuri ni Erik kay Rufa Mae.
Global ang audience…
CARMELLE, PAMBATO NG ‘PINAS SA EUROVISION ASIA SA BANGKOK
HANDANG-HANDA na si Carmelle Collado na i-represent ang Pilipinas sa international stage para sa kanyang Eurovision Asia performance sa Bangkok ngayong Nobyembre 14.
Kasabay ng pagkakataong makapag-perform sa harap ng global audience, isang malaking responsibilidad para kay Carmelle na ibandera ang Pilipinas.
Aminado siya na may pressure sa kanya pero mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang buong experience at ang malaking oportunidad na ito.
“Of course po, kasi sabi ko nga, when you represent the country, it’s a huge responsibility. Eurovision is pang-worldwide and global audience po talaga ‘yung nanonood, so grabe po talaga ‘yung pressure. But at the same time, ako po, nagpo-focus din po ako sa kung ano po ‘yung mga opportunities na puwedeng mangyari sa buhay ko—win or lose po,” pagbabahagi ni Carmelle.
Para sa singer, malaking bagay na ang mapiling kumatawan sa bansa.
“Ngayon po, happy na po ako kasi ako po ‘yung napili na mag-represent po ng Philippines. Itina-try ko po ‘yung best ko na ‘di mag-overthink—talagang mas nagma-matter po sa ‘kin na i-enjoy ‘yung journey,” dagdag niya.
Ang unang concert ni Carmelle ang itinuturing niyang mahalagang experience na makakatulong sa kanyang nalalapit na performance sa kompetisyon.
Gayunpaman, alam niyang ibang hamon ang Eurovision Asia dahil maraming performers ang kailangang magbigay ng kanilang best sa limitadong oras para makapag-iwan ng impression.
“‘Yung first solo concert ko po kasi, parang ‘yung nagbigay sa ‘kin ng daan para matutunan ko kung paano ko i-carry ‘yung sarili ko, lalung-lalo na po ‘yung buong performance. Sa Eurovision naman po, it’s a different one po kasi marami po kaming kakanta and we only have minutes to make an impression,” paliwanag niya.
Habang naghahanda para sa international stage, sinisiguro rin ni Carmelle na bahagi ang kanyang sariling ideas sa pagbuo ng performance.
Aniya, pinaghalo nila ng kanyang team ang kanilang mga ideya hanggang sa makahanap sila ng direction na komportable ang lahat.
“Kailangan ko po talagang magsabi kung ano po ‘yung gusto ko, kung saan po ako komportable kasi ako po ‘yung magpe-perform. But then, ako talaga, Ate, nag-unite kami na ito na lang ‘yung magandang gawin sa performance. So happy po ako kasi nagkasundo kaming lahat,” pagbabahagi niya.
Sa lakas ng kanyang stage presence at talento, mas mapapansin pa si Carmelle sa kanyang nalalapit na performance sa Eurovision Asia on November 14.
Gamit ang kanyang powerful voice at undeniable stage presence, siguradong marami pang puso ang mabibighani sa iba’t ibang bansa.
Sa pagsabak niya sa international stage kasama ang kanyang talento, magbubukas pa ito ng mas maraming oportunidad sa kanyang career.





Comments