Singapore, binalot ng haze

ni Justine Berganio @Overseas News | September 28, 2026

Photo: MIT
Haze muling bumalot sa Singapore matapos pumasok sa unhealthy level ang air quality sa tatlong rehiyon nitong Linggo.
Pinakamataas ang 24-hour PSI sa Central region na umabot sa 127, sinundan ng East na 114 at West na 105 alas-6 ng umaga. Moderate naman ang north at south na may PSI na 89 at 94.
Ayon sa National Environment Agency (NEA), nagpatuloy ang tuyong kondisyon sa southern Sumatra at sa bahagi ng Kalimantan, kung saan may mga naitalang hotspot at usok mula sa mga sunog na maaaring tangayin patungong Singapore.
Dahil dito, pinayuhan ang publiko na bawasan ang matagal o matinding outdoor activities kapag unhealthy ang air quality, lalo na ang mga bata, matatanda, buntis at may chronic lung o heart disease.
Patuloy namang mino-monitor ng NEA ang sitwasyon dahil maaari pang makaapekto sa Singapore ang haze habang nananatili ang tuyong panahon sa mga kalapit na lugar.





Comments