Kim Jong Un, personal na tinanggap ang credentials ng PH Ambassador

ni Mylene Alfonso @News | November 25, 2026

Photo: Philippine Ambassador at Kim Jong Un - KCNA & Philippine Embassy in China
Personal na tinanggap ni North Korean leader Kim Jong Un ang diplomatic credentials ni Philippine Ambassador Jaime FlorCruz nitong Linggo, Nobyembre 22, 2026.
Kabilang si FlorCruz sa 10 dayuhang diplomat na personal na pinagkalooban ng pagkakataong maiharap ang kanilang mga kredensyal kay Kim.
Ito ang unang pagkakataong personal na tumanggap ng diplomatic credentials mula sa mga dayuhang embahador ang lider ng North Korea.





Comments