top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

China, palalawakin ang elderly at child care dahil sa konting ipinapanganak

Writer: BULGAR
BULGAR
51 minutes ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas | November 24, 2026



China, plalawaking ang elderly at child care dahil sa konting ipinapanganak

Photo: File



Palalawakin ng China ang mga pasilidad at serbisyo para sa matatanda at maliliit na bata pagsapit ng 2030 bilang tugon sa mabilis na pagtanda ng populasyon at patuloy na pagbaba ng birth rate sa bansa.


Sa ilalim ng bagong plano ng pamahalaan, target na umabot sa 73% ang nursing care beds sa mga institusyon para sa matatanda at 70% ang saklaw ng community care facilities. Nakatakda ring kumpunihin o i-upgrade ang 2,000 pampublikong nursing homes.


Para naman sa mga bata, palalawakin ang child care centers sa lahat ng prefecture-level cities at tataasan ng anim na percentage points ang enrollment rate ng mga batang wala pang tatlong taong gulang kumpara sa datos noong 2025. Hihikayatin din ang mga kindergarten na magbukas ng klase para sa edad dalawa hanggang tatlo at ang mga kumpanya na maglaan ng childcare facilities sa kanilang lugar ng trabaho.


Popondohan ang mga proyekto sa pamamagitan ng national budget, pautang ng lokal na pamahalaan at commercial credit. Hihigpitan din ang pagbabantay sa advance payments ng mga nursing home upang maiwasan ang panloloko.


Patuloy na bumababa ang bilang ng mga ipinapanganak sa China sa kabila ng mga insentibo para sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak. Noong 2025, ikaapat na sunod na taon nang lumiit ang populasyon nito at unang pagkakataon ding mas mataas ang bilang ng matatandang umaasa sa manggagawa kaysa sa bilang ng mga bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page