top of page
BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated.jpeg

Huli sa video, may resibo… RAYMOND, HINANAP SI HEART SA PARTY NIYA PARA PAALISIN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 1, 2026



WINNER - RAYMOND, HINANAP SI HEART SA PARTY NIYA PARA PAALISIN_IG _mond _iamhearte

Photo: IG _mond _iamhearte



Nasagot na ang tanong kung bakit hinahanap ni Raymond Gutierrez si Heart Evangelista sa video na nag-viral sa social media.


Makikita na kasama ni Mond ang mga female celebs na sina Shuvee Entrata, Ashley Ortega at Sugar Mercado na kuha sa isang horror party ng kakambal ni Richard Gutierrez.


Naunang kumalat ang video kung saan narinig na binanggit ni Mond ang pangalan ni Heart habang nakiki-mingle sa kanyang female celeb guests.


Ayon sa isang vlogger, “Bakit kaya hinahanap ni Raymond Gutierrez si Heart du’n sa Halloween party niya? Alam mo, ‘tong si Ramy (Mond), mapagkakamalan mo talagang beki bully dahil sa mga antics niya. 


“Du’n kasi sa recent horror party na in-organize n’ya, dumating sina Shuvee Entrata at Ashley Ortega, dressed as sultry castaway ladies from the iconic Pinoy movie Temptation Island.”

Sa 2011 movie na Temptation Island, ang mga bida ay sina Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Heart Evangelista.


Sabi ni Mond sa video, “Sino si Heart? Sino si Heart?”


Pero may mga netizens palang nakakuha ng video kung saan may sagot kung bakit hinahanap nito ang fashion icon-aktres.


Sumagot si Ashley sa tanong ni Mond at sinabing siya si Heart.

Banat ni Raymond, “Ay, you need to leave this place!”


Party naman daw iyon ng kapatid ni Ruffa Gutierrez kaya sinuman ang gusto niyang paalisin ay keri niyang gawin.


React ng vlogger, “Pero kailangan bang gawing punchline ‘yung pagpapaalis kay Heart? And if he is comfortable making that joke in public, mapapaisip ka rin kung ano’ng klaseng biruan ang nangyayari off camera.”


Kani-kanya namang hanash ang mga netizens sa isyung ito tungkol kay Mond.

“Inaano ba sila ni Heart? Bakit inggit na inggit sila? They can never put a good girl down!”

“Listen closely. Wala namang sinabing ‘Leave this place!’ It seems iba naman ang sinabi n’ya, ginawan na naman ng istorya.”


“Actually, parang ‘di nga ‘Leave this place.’ Parang mas ‘Leave this building.’ Listen to it again!”

“Why do they hate Heart, anyhow? Was there a past conflict between the IT girls, Raymond and Heart?”


“They probably want to replace her in the fashion shows, so inggit ang lahat.”

Sabeee?





KITA ang saya ni Coco Martin sa birthday surprise na inihanda para sa kanya sa set ng Kapamilya serye niyang Sigabo.


Pinagkaabalahan talaga ng staff and crew ang pasabog nila para kay Coco kahit busy sila sa shoot.


Caption ng Dreamscapeph sa kanilang Instagram (IG) account, “Isang espesyal na sorpresa para sa nag-iisang Hari ng Aksyon sa ating Henerasyon. Advance Happy Birthday, @cocomartin_ph!  Greetings from your ABS-CBN, Dreamscape, and CCM Film Productions family!”


Siyempre, naroon si Julia Montes na  siyang kumukuha ng video para sa birthday surprise for Coco.

Komento ng mga fans…


“Napakaganda ng personal videographer mo, Tay!”

“Napakaganda naman ni Madame! Ever supportive ang Gloria.”

Ang “Gloria” ay pangalan ng karakter ni Julia sa Sigabo bilang pekeng misis ni Coco.


Si Gloria ay isa sa mga taong lubos na naniniwalang maabilidad si Gabo (Coco) at kaya niyang maisagawa ang mga misyon na ipinagkatiwala sa kanya.

Bagama’t may mga taong nagdududa sa kakayahan ni Gabo at minamaliit siya, kabilang na ang kanyang madrasta na si Betchay (Irma Adlawan), mas marami pa rin ang naniniwala sa kanya.


Tutukan ang mga paparating na episodes ng Coco Martin’s Sigabo, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, TV5, at A2Z. 


Maaari mo ring panoorin ang mga episodes sa pamamagitan ng Kapamilya Online Live (KOL) o i-stream ang mga ito anumang oras sa iWant!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page