top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Sinabuyan na ng tear gas at water cannon... Libu-libong estudyante, nag-rally dahil sa dayaan sa exams

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 12, 2026



Student protest rally in Jharkhand, India - PTI - The Hindu

Photo: PTI / The Hindu



Gumamit ng tear gas, batuta at water cannon ang mga pulis sa Jharkhand, India upang dispersahin ang libu-libong kabataang nagmartsa patungo sa state legislature nitong Lunes dahil sa umano’y iregularidad sa civil service examinations.


Nagsimula ang protesta noong Hulyo 25 matapos akusahan ng mga estudyante at kabataang walang trabaho ang mga awtoridad ng umano’y pagkakaroon ng iregularidad sa recruitment exams, kabilang ang pagtagas ng mga test paper.


Nanguna rin ang isyu sa serye ng mga protesta sa New Delhi na nauwi sa pagbibitiw ni Education Minister Dharmendra Pradhan noong nakaraang buwan.


Sa Ranchi, kabisera ng Jharkhand, nagtulak at nakipagsagutan ang ilang demonstrante sa mga pulis matapos tangkaing lampasan ang mga barricade. Gumamit naman ang mga awtoridad ng tear gas, water cannon at batuta upang sila ay dispersahin.


Kabilang sa mga hinihingi ng mga nagpoprotesta ang pagbabago sa sistema ng pagsusulit, pagkansela sa ilang exams at imbestigasyon ng federal police.


Ayon sa pamahalaan ng Jharkhand, nakipagdayalogo na ito sa mga demonstrante at tinanggap na umano ang karamihan sa kanilang mga kahilingan. Bukas din umano ito sa karagdagang pag-uusap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page