top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

11-anyos binaril sa mukha at leeg, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 26, 2026



11 years old binaril - ABC

Photo: SS / ABC



Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos barilin sa loob ng isang unit sa Norwest, Northwest Sydney, Australia nitong Lunes.


Ayon sa pulisya, natagpuan ang bata na may tama ng bala sa mukha at leeg at agad na isinugod sa Westmead Children’s Hospital. Matapos manatiling kritikal, binawian siya ng buhay alas-8 ng gabi nitong Huwebes.


May limang iba pang tao na nasa bahay nang mangyari ang insidente na hindi nasaktan. 


Tatlong 18-anyos na lalaki naman ang naaresto, kabilang si Isaac Bechara na kinasuhan

ng pagtatago umano ng isang serious indictable offence. Hindi siya nag-apply ng piyansa.


Ayon sa pulisya, kilala na nila ang unit at ilan sa mga taong naroon dahil dati na silang nakaugnayan. Sinisilip din ng mga imbestigador ang posibleng koneksyon sa organized crime, bagama’t wala pa umanong direktang ugnayan sa kasalukuyang mga conflict.

Patuloy ang imbestigasyon habang nagluluksa ang pamilya at mga kaibigan ng batang kabilang sa Sydney Maronite community.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page