Building sumabog, gumuho, 5 missing

ni Justine Berganio @Overseas News | September 27, 2026

Photo: Ang sumabog at gumuho ang isang residential building sa Plaka, Athens, Greece. Yorgos Karahalis / AP
Limang katao ang nawawala habang tatlo ang sugatan matapos sumabog at gumuho ang isang residential building sa Plaka, Athens, Greece nitong Biyernes.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagsabog sa dalawang palapag na gusali na malapit sa Acropolis at Temple of Zeus. Matinding pinsala ang tinamo ng mga katabing bahay, tindahan at sasakyan dahil sa lakas ng pagsabog.
Kabilang sa hinahanap ng mga rescue worker ang isang elderly couple na nakatira sa gusali. Bahagi rin nito ay pinaupahan umano sa mga turista.
Isang passer-by ang nasugatan habang dalawang babae na na-trap sa katabing gusali ang nailigtas at dinala sa ospital.
Patuloy ang search and rescue operation sa lugar na dinarayo ng mga turista dahil sa mga hotel, short-term rentals, cafe at souvenir shops.





Comments