top of page
Search
BULGAR

Sinabotahe… HEART, NABUKING NA HINARANG NG DATING GLAM TEAM SA PAGRAMPA SA PARIS FASHION WEEK

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 26, 2024



Hindi nagtagumpay ang mga inggiterang nagplano ng “shadow ban” kay Heart Evangelista noong huling quarter ng 2023 sa Paris Fashion events. Muling nakabalik si Heart sa pagrampa sa Paris Fashion Week at naging sentro ng pansin ng ilang sikat na fashion designers at ng mga international fashion models.


Grateful si Heart na nalusutan at na-overcome niya ang ginawang pagsa-shadow ban sa kanya sa ilang fashion events. 


Natukoy na ilan sa mga dati niyang katrabaho at bahagi ng kanyang glam team ang nasa likod ng “shadow ban”. 


Kinuha ng mga ito ang contact numbers ng ilang namamahala sa Paris Fashion event at hinarang ang exposure ni Heart Evangelista. 


Natuklasan ito ng aktres at siya na ang gumawa ng paraan upang muling makabalik sa Paris Fashion Week.


Well, kung tutuusin, sa halip na mainggit ang iba, dapat pa ngang maging proud ang ating mga kababayan dahil nagawang maka-penetrate ni Heart sa mga sikat na fashion events sa Paris at New York.


Si Heart ngayon ang hinahabol at inaalok ng mga sikat na fashion designers upang maging endorser-model nila. Kaya, cover siya ng mga fashion magazines abroad.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page