Sinabihang nakikisawsaw kina Heaven, Kiko at Devon, nabuwisit… SIGAW NI BARBIE: MARAMI AKONG NAKITA!
- BULGAR

- Mar 14, 2021
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 14, 2021

Si Barbie Imperial ba ang nag-chuchu (read: nagsumbong) kay Devon Seron tungkol sa nababalitang 'closeness' daw nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa kanilang pinagsasamahang seryeng Bagong Umaga sa Kapamilya Channel?
Ilang araw na ang nakararaan ay umingay ang breakup nina Devon at Kiko na ang itinuturong third party ay ang isang aktres na kasama ng aktor sa serye.
Hanggang sa napangalanan na nga ang aktres na si Heaven Peralejo na nu'ng una'y blind item pa at sa kanyang Instagram Stories ay nagbigay na rin naman ng official statement niya si Heaven denying her involvement sa breakup.
Pero ang siste ngayon, usap-usapan sa socmed na si Barbie diumano ang nagparating kay Devon ng tungkol kina Heaven at Kiko dahil friends daw ang dalawang aktres.
At lalo pang nabulabog ang mga netizens at kani-kanyang reaksiyon na nang i-retweet ni Barbie sa kanyang Twitter account ang post ng diumano'y PA (personal assistant) ni Heaven na may name na Candy Meneses.
Base sa post ng PA ni Heaven, tipong may patutsada itong nakikisawsaw si Barbie sa issue ng kanyang amo kaya na-trigger naman ang GF ni Diego Loyzaga at sinagot ang post ni Candy Meneses.
Sabi ni Barbie sa caption ng kanyang ini-retweet, "I keep my mouth shut kahit marami akong nakita. So sige, Candy. Make sure to say this at my face when I see you at taping next week."
Mababasa sa reaction ng mga netizens sa post ni Barbie ang hamon nilang ibulgar na ng tisay na aktres ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa pinagpipiyestahan ngayong hiwalayan nina Devon at Kiko na si Heaven nga ang itinuturong dahilan.
Comment ng isang netizen, "Go, Barbie! Netizens are smart enough to know the truth, especially kung madaming witnesses and the victim saw with her own eyes what’s been happening behind her back all along.
"Keep your silence, pero spill the tea 'pag naging annoying na sa kaepalan 'yang mga tards ni Langit, lupa, impyerno. Wahaha!"
Sabi naman ng isa pa, "I don't like Barbie kasi minsan ang talas magsalita, but one thing about her is no matter how crass, hindi siya nagsisinungaling. 'Wag nilang i-provoke 'tong babaeng 'to kasi baka biglang mag-ispluk talaga 'yan, lagot ang mga involved."
Oh, ha?! Ang tanong, may alam nga kaya si Barbie sa Devon-Kiko-Heaven issue, gayung ayan na, pinatay na agad ni Heaven ang chismis by denying na third party siya?
Eh, naku, teka lang, ha, 'wag n'yong gigil si Barbie Imperial at baka nga, tsukkk… dumulas ang kanyang nilangisang dila! Hehehe!





Comments