top of page
Search
  • BULGAR

Sinabi rin 'yan noon kay Andrea… DEREK, 1 MONTH PA LANG GF SI ELLEN, GUSTO NANG PAKASALAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 3, 2021





Isang buwan pa lang ang relasyong Ellen Adarna at Derek Ramsay pero nagbigay na ng statement ang aktor tungkol sa balak niyang pagpapakasal.


Naramdaman na raw ni Derek na gusto na niyang magpakasal at natagpuan na niya ang babaeng gusto niyang pakasalan.


Si Ellen Adarna nga raw ang babaeng para sa kanya kahit na saglit na panahon pa lang ang kanilang relasyon.


Kay Andrea Torres ay one year ang itinagal ng kanilang pagiging magnobyo. Sinabi rin noon ni Derek na si Andrea na ang babaeng kanyang pakakasalan at gustong makasama sa buhay.


Tiyak na tatandaan at magmamarka sa mga netizens ang pahayag ni Derek na balak niyang pakasalan si Ellen Adarna. Tiyak na aabangan ng mga showbiz observers-bashers kung sa kasalan nga mauuwi ang relasyon nila ni Ellen.


Kapag ito ay natuloy, saka lang maniniwala ang publiko sa statement ni Derek na may plano na siyang magpakasal.

For sure, pinagpupustahan na kung matutuloy nga ang kasalang Ellen Adarna-Derek Ramsay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page