top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sinabi noon nina Dolphy at Efren ‘bata’ Reyes, isaisip sana ni Willie Revillame

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 17, 2021



SI P-DUTERTE ANG HALIMBAWA NG TRAPO—Ang trapo ay ang uri ng pulitiko na kung anu-ano ang ipapangako sa mamamayan para iboto lang siya, at isang halimbawa ng trapo ay si P-Duterte kasi ang dami niyang ipinangako noong 2016 election — kabilang ang 3-6 months ay wala nang ilegal na droga, korupsiyon at kriminalidad; ipaglalaban sa China ang West Philippine Sea (WPS); wawakasan ang kontraktuwalisasyon; rice cartel; dobladong-suweldo sa mga pulis, sundalo, titser at nurse, at iba pang sangkaterbang pramis.


Ang siste ay nang manalo, ang natupad lang ay ang dobladong-suweldo ng mga pulis at sundalo, pero ang ibang pramis ay napako, at nang may magkuwestiyon sa hindi niya pagtupad na ipaglalaban ang West PH Sea ay nagalit ito, istupido raw ang mga naniwala sa kanya, boom!


◘◘◘


KAPAG NANALO SI REVILLAME, MAKAKATROPA NIYA ANG MGA SENADOR NA NAGPASA NG PAHIRAP NA TRAIN LAW—Sakaling manalo, tiyak na ang magiging tropa ni Willie Revillame sa Senado ay ang mga pro-Duterte senators na nagpasa ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion Law (TRAIN).


Noong kumakandidato pa lang ang mga senador na ito, ang pramis nila ay pagtulong sa mamamayan, pero nang magsipanalo na, sakit sa ulo pala ang ibibigay sa taumbayan kasi nang iutos ni P-Duterte na ipasa ang TRAIN Law dahil kailangan ang dagdag-pondo ng pamahalaan, at dito rin kukunin ang dagdag-dobladong-suweldo sa mga pulis at sundalo, agad nilang ipinasa na nagdulot kaya hanggang ngayon ay patuloy na nagtataasan ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


‘Ika nga, hindi pala tulong ang ibibigay ng mga pro-Duterte senators sa taumbayan, kundi dagdag-pahirap, buwisit!


◘◘◘


ISAISIP SANA NI REVILLAME ANG MGA SINABI NOON NINA DOLPHY AT EFREN ‘BATA’ REYES—Next month pa ihahayag ni Revillame kung tuloy o hindi ang laban niya sa pagka-senador, pero sa tema ng kanyang salita ay tila kakana ito sa pagka-senador.

Hangga’t hindi pa nakakapagdeklara, sana ay isaisip ni Revillame ang sinabi nina Dolphy at Efren “Bata” Reyes noong kasikatan nila.


Sabi ni Dolphy, ayaw niyang pumasok sa pulitika kasi takot siyang manalo, na baka kapag nanalo siya ay hindi niya alam ang kanyang gagawin, at ang ayon naman kay Efren Bata, ayaw niyang gamitin ang kanyang kasikatan sa pagpasok sa pulitika kasi kung gusto talagang tumulong, puwedeng tumulong kahit wala sa pulitika, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page