top of page
Willie Revillame - FB.jpg
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 19, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PALITAN NG TEXT NINA PBBM AT BERSAMIN PATUNGKOL SA FLOOD CONTROL KICKBACK DAPAT ISAPUBLIKO NA NI CONG. LEVISTE -- Sinabi ni PDP-Laban spokesman Atty. Ferdinand Topacio na malapit na raw isapubliko ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste ang palitan ng text sa cellphone nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos jr., (PBBM) at former Presidential Legislative Liaison Officer Adrian Bersamin na may kaugnayan daw sa kickback sa flood control projects.


Noon pa sinasabi iyan ni Cong. Leviste na isasapubliko niya, pero hanggang ngayon ayaw pang ilantad.


Dapat isapubliko na 'yan ni Cong. Leviste para malaman ng taumbayan kung ano ang laman ng palitan ng text nina PBBM at Bersamin, period!


XXX


KAPAG ISINAPUBLIKO NI HARRY ROQUE ANG DOKUMENTONG MAYROON SIYANG PENDING ASYLUM PETITION, BASH NA NAMAN ANG AABUTIN NI SEC. REMULLA--Hinamon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla si former presidential spokesman Harry Roque na ipakita sa publiko ang kanyang dokumentong pending asylum petition, na kapag wala aniya itong maipakita ay nangangahulugan na denied na ang asylum application nito sa Austria.


Naku, sana hindi naghamon ng ganyan si Sec. Remulla kasi kapag may naipakita si Roque na dokumentong pending asylum petition ay mapuputakti na naman siya ng batikos sa social media, boom!


XXX


KAPAG NAKASAMA SI CONG. PULONG DUTERTE SA SASAMPAHAN NG KASO NG NBI TUNGKOL SA MGA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS SA DAVAO CITY, BAKA SIYA NA ANG NEXT MA-CITY JAIL--Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na sa kanilang ginawang imbestigasyon ay natuklasan nila na may 47 flood control projects sa Davao City na karamihan daw ay “ghost," substandard at incomplete, at isang kontraktor daw na malapit kay Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte ang nakakopo ng lahat ng mga projects na ito.


Kaya't dapat ihanda na ni Cong. Pulong ang kanyang sarili kasi kapag isinama siya ng NBI sa sinampahan ng kaso, malamang kulong siya sa city jail, period!


XXX


MAY DAHILAN SI SEN. MARCOLETA NA MAGHINANAKIT SA MGA KAPWA NIYA SENADOR--Nagpahayag ng hinanakit si detenidong Sen. Rodante Marcoleta sa mga kasamahan niyang senador dahil ang hiling niya sa mga ito na gumawa ng resolusyon para siya at kapwa niya detenidong Sen. Jinggoy Estrada ay makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


May dahilan talaga si Sen. Marcoleta na maghinanakit kasi nga, 'yung hiling niya ay dinedma lang ng mga kapwa niya senador, tsk!

 
 

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 11, 2023



BAD ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND KASI IBEBENTA ANG MGA ARI-ARIAN NG GOBYERNO PARA IPANGPONDO SA INVESTMENT FUND -- Inanunsyo ni Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF) na magbebenta ang Marcos administration ng mga ari-arian ng pamahalaan para ipandagdag-pondo sa kakailanganing P500 billion Maharlika Investment Fund (MIF).


‘Yan ang hindi kagandahan sa Maharlika Investment Fund na inaprub ng majority senators at congressmen, kasi bukod sa pakikialaman ng gobyerno ang pension funds ng mga SSS at GSIS members, health care funds ng mga PhilHealth members at housing funds ng mga Pag-Ibig members, ay magbebenta pa ng mga ari-arian ng pamahalaan para ipandagdag sa pondo sa investment fund na ito, buset!


XXX


NOON TODO-PASASALAMAT SI VP SARA KAY SPEAKER ROMUALDEZ, NGAYON SABI NG BISE PRESIDENTE WALA RAW NAITULONG ITO SA KANYANG KANDIDATURA -- Noong June 15, 2022 ay dumalo si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa oath taking ni re-elected Leyte Rep. Martin Romualdez at sa harap ng mga taga-Leyte ay nagpasalamat ang bise presidente sa mga naitulong sa kanya ni Cong, Romualdez na kanyang naging campaign manager last 2022 elections.


At ngayong "magkaaway" na sila ni Speaker Romualdez ay iba na ang sinasabi ni VP Sara, na kesyo wala naman daw naitulong sa kanyang kandidatura si Speaker Romualdez, boom!


XXX


ALAM NA KUNG SINONG NAGSISINUNGALING KINA VP SARA AT CONG. BARZAGA -- Sabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ay malaki raw ang naitulong ni Speaker Romualdez sa kandidatura for vice presidente ni VP Sara, pero ayon sa bise presidente ay wala naman daw naitulong sa kanya ang House Speaker.


Kung pagbabasehan nga ang statement na pasasalamat ng bise presidente noong June 15, 2022 kay Speaker Romualdez, ay alam na marahil ng publiko kung sino ang nagsisinungaling kina VP Sara at Cong. Barzaga, period!


XXX


KUNG 'DEDEDMAHIN' LANG NI PD COL. BACCAY ANG COLOR GAMES AT DROP BALLS, DADAMI SIGURADO ANG GANYANG URI NG RAKET SA RIZAL PROVINCE -- Isang alyas "Thelma" raw ang may kontrol ng operasyon ng color games at drop balls sa Rizal province.


Dapat ipa-raid agad ni Rizal PD Col. Dominic Baccay ang color games at drop balls ni "Thelma" sa Rizal province, kasi kung dededmahin lang niya ay tiyak dadami ang mga gambling lords na magpapasugal ng ganyang uri ng raket sa lalawigang ito, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 13, 2021



HIDILYN DIAZ, MARIA RESSA AT P-DUTERTE, TATLONG PILIPINO NA NAITALA SA KASAYSAYAN NG MUNDO—Tatlong Pilipino ang naitala sa kasaysayan ng mundo — ang weightlifter na si Hidilyn Diaz, na kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gold medal sa Olympic sa Japan; ang journalist at CEO ng Rappler na si Maria Ressa, naman ang kauna-unahang Pilipino na ginantimpalaan ng Nobel Peace Prize Award sa Norway at si Pangulong Rodrigo Duterte, na siya namang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na sinampahan ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands, boom!


◘◘◘


MGA DDS, GULUNG-GULO NA ANG UTAK KASI PANAY BASH SILA KAY MARIA RESSA, TAPOS KINU-CONGRATULATE NG MALACAÑANG—Binash nang todo ng mga DDS si Maria Ressa matapos siyang ay magantimpalaan ng Nobel Peace Prize Award.


Dahil isa si Maria Ressa sa mga kritiko ng Duterte gov’t., buong akala ng mga DDS ay babatikusin ng Malacañang ang nakamit nitong na award, pero nagkamali sila kasi sa pamamagitan ni Presidential spokesman Harry Roque ay kinu-congratulate pa ito ng Malacañang.


Siguro, gulung-gulo na ang utak ng mga DDS kasi todo-tanggol pa sila kay P-Duterte sa ginagawa nilang pamba-bash kay Ressa, tapos ‘yung bina-bash nila ay kinu-congratulate ng Malacañang, ha-ha-ha!


◘◘◘


HANGGA’T HINDI PA SUMASAPIT ANG NOV. 15, ‘WAG MUNANG MANIWALA NA HINDI TATAKBONG PANGULO SI MAYOR SARA—Hangga’t hindi sumasapit ang substitution ng mga kandidato sa Nov. 15, 2021 ay huwag munang paniwalaan ng publiko ang sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbong pangulo at huwag din munang paniwalaan ang sinabi ni P-Duterte na “out” na sa 2022 presidential race ang kanyang anak.


Malinaw ang sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, presidential candidate ng PDP-Laban na kung tatakbo sa pagka-pangulo si Mayor Sara ay aatras siya.


Para sa kaalaman ng publiko, isang nagngangalang Anna Velasco ang nag-file ng candidacy for president sa ilalim ng Lakas-CMD na may alyansa sa partidong Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara, at kapag tumuloy siya sa laban sa pagka-pangulo, magwi-withdraw si Velasco.


Kapag nangyari ‘yan, tuloy na ang tambalang Mayor Sara-Sen. Bong Go, Sara ng Lakas-CMD for president at Bong Go ng PDP-Laban for vice-president, abangan!


◘◘◘


KAPAG NAGKALABAN SA PAGKA-PANGULO SINA MAYOR SARA AT BBM, ASAHAN NANG MAGBABANGAYAN SA SOCIAL MEDIA ANG MGA DDS AT MARCOS LOYALISTS—Sakaling tumuloy sa laban sa pagka-pangulo si Mayor Sara, at dahil wala na ring atrasan si former Sen. Bongbong Marcos sa laban sa pagka-pangulo ay d’yan na mangyayari na ang magkaibigan at magkaalyado sa pulitika ay magiging magkalaban sa 2022 presidential election.


At dahil d’yan, asahan nang magbabangayan sa social media ang mga DDS at Marcos loyalists, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page