Sina Versace at Valentino… JANELLA, NOT JUST ONE, 2 NA ANG ALAGANG AHAS!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 16, 2021

Halatang seryoso si Janella Salvador sa kanyang role bilang Valentina sa Darna dahil sa ngayon ay nag-aalaga na nga rin siya ng mga ahas.
Last week ay ipinakilala niya ang alaga niyang baby snake na si Versace na aniya ay 5 months old pa lang. Nag-viral nga agad ang post ng aktres at marami ang nagulat na nag-aalaga na siya ng ahas.
Pero hindi lang pala isa ang kanyang alagang ahas kundi dalawa na. Ipinakilala na niya ang kanyang 2nd pet snake sa kanyang latest Instagram post.
Makikita sa mga larawan ang isang yellow ball python na talagang hawak-hawak pa ni Janella.
“Because two is better than one? Welcoming this baby to my zoo.
His name is… Valentino (see what I did there?)” caption ng aktres.
Tulad ng unang post ni Janella, nagulat din ang mga netizens at tinanong pa siya ng isa ng “Why?”
Sinagot naman ito ng aktres ng “Because he’s a cutie.”
Reaksiyon naman ng isang netizen, “Juskolord… I’m scared.”
‘Yung mga mahilig sa ahas ay napa-wow at nakyutan pa kay Valentino, pero ‘yung mga takot ay nagsabing hindi raw sila pupunta sa bahay ni Janella. Hahaha!





Comments