top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Sina Luis, Robi, Melai at Long ang mga hosts… IT'S YOUR LUCKY DAY, PALIT SA IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 07, 2023



It’s Your Lucky Day ang titulo ng programang pansamantalang ipapalit sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime simula sa Oktubre 14 hanggang 27.


Ito ang mainit na ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kahapon nang tanghali.


Ayon naman kay Romel Chika ay wala pang opisyal na anunsiyo ang ABS-CBN tungkol dito at sabay biro na, “Baka Laban o Bawi ang title?”


“It’s Your Lucky Day ang titulo at ang tagapamuno nito na magiging kapitan ay si Luis Manzano. Lucky, eh, 'di ba?”


Alam naman ng lahat na ‘Lucky’ ang palayaw ni Luis kaya sa kanya isinunod ang titulo ng programang pangungunahan niya kasama sina Robi Domingo at Melai Cantiveros.


“Pero may nadagdag, magaling na komedyante, anak (Romel Chika), kasama si Long Mejia!


Alam naman natin ang mga atake ni Long Mejia, 'di ba? At siyempre po, ang mga teen stars ng Star Magic ABS-CBN.


“Ang kuwento ng aking source didikitan nang todo-todo ‘yung dating atake ng Eat… Bulaga! (E.A.T. na ngayon), susugurin nila ang mga barangay, so makakalaban din ito ni Mayor Jose (Manalo) at saka ni Wally (Bayola),” kuwento ni ‘Nay Cristy.


Say naman ni Romel Chika, “Suguran na pala sa mga barangay (ang labanan) ngayon.”


Sabi pa ni ‘Nay Cristy ay "Ito ang masuwerteng araw ninyo!" ang magiging tiyak na punchline ng It’s Your Lucky Day.


Sa Oktubre 24 ang 14th anniversary ng It’s Showtime pero sa Nobyembre na raw ito iseselebra ng programa dahil tatamaan ang pag-ere nila sa 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB base pa sa report ni ‘Nay Cristy.


Sa kasalukuyan ay nasa Office of the President ang apelang Motion for Reconsideration ng It’s Showtime at ang unang makatatanggap daw ng sulat na ito ay si Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Sr. na nanunungkulan ngayon kay Presidente Bongbong Marcos, Jr..


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring resulta kung ano ang sagot ng Office of the President kaya wala pa ring opisyal na anunsiyo ang Kapamilya Network tungkol sa pansamantalang kapalit na show na It’s Your Lucky Day.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page