Sina Darna at Valentina… JANE AT JANELLA, 'DI IG FRIENDS
- BULGAR
- Dec 8, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 08, 2021

Bilang si Valentina sa Darna ay bumili pa raw ng totoong ahas si Janella Salvador.
Kaya raw niya ginawa 'yun ay para mapag-aralan ang kilos ng ahas.
Si Janella ang napiling gumanap na Valentina, ang kalabang mortal ni Darna na ginagampanan ni Jane de Leon.
By the way, iniintriga ang dalawang aktres, bakit daw hindi man lang sila naka-follow sa isa't isa?
Ang pagkakaalam daw kasi nila, kapag nagkakasama sa isang proyekto ang mga artista ay nagpa-follow-han sa social media nang sa ganu'n, kapag may gustong malaman or may mga bagong kaganapan ay nagkakaalaman daw agad.
Hindi raw ba in good terms sina Darna at Valentina?
Well, siguro, nagpapakiramdaman pa silang dalawa. Kapag nagtagal-tagal at nagkahulihan na ng ugali, pasasaan ba't magiging magkaibigan din sila.





Comments