top of page
Search
  • BULGAR

Simpleng manlaglag… DIMPLES, TINUKSO SI JULIA KAY COCO NA KILIG NA KILIG

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 25, 2021



Nakakatuwa si Dimples Romana, naookray niya ang mga kaibigang celebrities in a nice way. Kaya, ang daming celebrity friends ng mahusay na aktres dahil totoo siyang tao.

Sa Instagram account ng aktres ay in-screenshot niya ang photo nila ng kaibigang si Julia Montes habang magka-video call.


Tinukso ni Dimples si Julia sa caption niyang: “Kilig na kilig yaaaarrrn @montesjulia08 ‘Pag ganito naman talaga ang kausap mo everyday, talaga namang GAGANDA lalo araw mo, eh! ‘Di ba, mga bebe Co? I mean ko.”


Nag-react ang mga netizens sa post ni Dimples. Hinulaan ng mga ito kung sino ang nagpapakilig kay Julia.


“Gets Co po. Ay, gets ko po pala,” sey ng isang netizen.


“You mean Coco Martin??? Ms. Dimps,” tanong naman ng isang netizen.


“Gets po namin, “COCO” po ang gusto n’yong tumbukin,” sambit pa ng isa.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Coco at Julia sa tunay nilang relasyon.


Si Julia ngayon ang leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano pagkatapos ng chapter ni Jane de Leon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page