Simple lang pero agaw-eksena, Heart… ANNE, PINAGKAGULUHAN SA SIKAT NA JEWELRY SHOP SA US
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 24, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Nabulabog ang sikat at luxurious jewelry company na Tiffany & Co. sa New York City dahil sa biglaang pagdating ni Anne Curtis.
Hindi inaasahan ng mga empleyado at mga customers ang pagbisita ni Anne na nakasuot ng minimalist ngunit napakaeleganteng outfit.
Biglang naglabasan ang mga cellphone at nagbulungan ang mga tao na, “Si Anne Curtis ba ‘yan?”
Hindi nakaplano ang biglaang pagsulpot ni Anne sa boutique, pero ang presensiya niya ay sapat na upang baguhin ang enerhiya ng buong lugar.
Tanong ng marami, ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagbisita ni Anne Curtis sa Tiffany & Co.? Isa ba itong simpleng shopping trip o may iba pa siyang pakay?
Maraming espekulasyon mula sa mga netizens na naglabas ng kani-kanilang teorya. Anila, maaaring bahagi raw ito ng isang endorsement deal o collaboration na hindi pa inaanunsiyo.
May nagsabi ring baka ito ay kaugnay ng isang international project o fashion campaign na kinasasangkutan ng aktres.
Ayon naman sa isang saksi na naroon mismo sa boutique, “Very graceful si Anne. Kahit napapansin na s’ya, ‘di s’ya nagbago ng kilos. Nakangiti lang s’ya, very calm, parang sanay na sanay na.”
Ang ganitong composure ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy siyang hinahangaan, hindi lamang sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang pagdadala sa sarili sa gitna ng atensiyon ng publiko.
May ilang fans din ang naglakas-loob na lumapit upang magpa-picture, at hindi naman sila binigo ni Anne.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa aktres-host o sa kanyang team ukol sa tunay na layunin ng kanyang pagbisita sa Tiffany & Co..
No. 1 TV host sa US…
STEVE HARVEY, JOIN SA FAMILY FEUD NI DINGDONG
INANUNSIYO ng GMA News na ngayong Biyernes, nasa Family Feud Philippines (FFPH) ang number one host ng Amerika na si Steve Harvey.
Sa account ng game show, mababasa ang: “Kapuso fam, ito na ang hinihintay ninyo. Survey says... it’s Steve Harvey on Family Feud Philippines! Isang iconic Friday ang hatid niya na siguradong hindi ninyo makakalimutan!”
Komento ng mga netizens:
“May lakad ako sa Friday. Sisiguraduhin kong makauwi para mapanood ko ‘tong episode ng Family Feud.”
“Mahal siguro ang talent fee (TF) ni Steve Harvey.”
Sey naman ng isang commenter, “Feeling ko video greeting lang ‘yan galing US. Hahaha!”
“Samedt! Haha!”
“Tapos sina Pia, Catriona, at ibang beauty queens ang maglalaban, tapos s’ya ang host. Naku, i-push n’yo ‘yan, paldo ‘yan sa ratings at views.”
“In fairness, nakaka-hook ang Family Feud. May nakita akong vid na tungkol sa nanay na viewer, nakakatawa ang mga comments sa mga nanay at tatay nila ‘pag nanonood nito.”
Anyway, sana nga ay hindi video call ang pag-uusap nina Steve Harvey at Dingdong Dantes. Nakakahiya kung ipinu-push nila si Harvey na nasa Family Feud, tapos ‘di naman pala totoo.
Ang pagbisita ni Harvey sa show ni Dingdong ay isa sa mga highlights ng nasabing show para sa month-long celebration nito.
At hopefully ay live ngang mapapanood ang number one host sa Amerika.




Comments