Sikat na singer abroad… HEART, KA-COLLAB ANG VOCALIST NG INCUBUS
- BULGAR
- May 27, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | May 27, 2021

Bongga si Heart Evangelista dahil makaka-collab sa isang art-related project ang vocalist ng Incubus na si Brandon Boyd. Big name sa international music scene si Brandon Boyd, kaya nang i-post ni Heart sa kanyang IG Stories ang “Morning meetings with @brandonboyd, Jen, and Pietro. Our little art project soon,” maramiagad ang na-curious at na-excite.

Hindi natin pare-parehong kilala ang binanggit ni Heart na sina Jen at Pietro. Napag-alaman lang na si Jen DiSisto ay former art department employee ng Warner Brothers Records at may virtual art agency ngayon. Si Pietro naman daw ay editor-in-chief ng 1XRUN na publisher daw ng fine art.
Anyway, anumang collab ang nagaganap kina Heart at Brandon, lalo nitong napapatunayan na Queen of Collab nga ang lead actress ng I Left My Heart in Sorsogon at ngayon, ang vocalist ng Incubus na ang ka-collab niya.





Comments