top of page
Search
  • BULGAR

SIKAT NA AKTRES, NAGMAKAAWA NA BALIKAN NG AKTOR, INAAYAWAN NA DAHIL MAY BAGO NANG DYOWA

ni Reggee Bonoan - @Sheet | January 4, 2024



Blind item:


Trulili kaya na nangungulit ang kilalang aktres na makipagbalikan sa aktor pero tumanggi na ang huli dahil payapa na ang buhay nila ng current dyowa?


Tsika ng aming source ay ilang beses nag-usap sina kilalang aktres at aktor para ayusin ang mga bagay-bagay sa kanilang dalawa lalo’t laging hinahanap ng mga anak nila ang tatay nila.


Ayon sa aming source, “Hinahanap kasi lagi ng mga bata ang tatay nila, ‘yung dating nakagawian na paggising, katabi nila ang tatay nila. Kaya talagang nakikiusap si (kilalang aktres) sa aktor na mag-ayos na sila at kalimutan ang lahat at wala nang tanungan kung ano ang nangyari.


“Ang kaso, paano? Okay na si (aktor) at si (dyowa), masaya na sila, maayos silang magkasama na ngayon sa iisang bubong. May basbas na rin ng mga magulang nila both sides. 


“Nahihiram naman ni (aktor) ang mga anak niya at nakakasama sa pamamasyal si (dyowa) kaya siguro ito ‘yung hindi matanggap ni (kilalang aktres) kasi nalilito ang mga bata, bakit may ibang girl si daddy nila.”


Dumating pa raw sa puntong mismong magulang na ng kilalang aktres ang kumausap sa aktor para balikan ang kanilang anak, pero hindi nangyari at nanindigan ang huli na wala nang chance.


As of now ay nananalangin pa rin ang kilalang aktres na sana ay magbago ang desisyon ng aktor.

 

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page