top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 3, 2026



SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro

Photo: FB Nadia Montenegro



Isa si Nadia Montenegro sa mga nakapanayam naming guest celebrities sa katatapos lang na Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show sa EDSA Shangri-La Hotel last Thursday bilang suporta sa CEO ng Maddox Jewelry na si Ms. Charo Cordial.


Bago si Nadia, nakapanayam din namin si Dennis Padilla na kaibigan ni Sen. Robin Padilla, na nagpahayag ng saloobin sa mga namba-bash ngayon sa aktor-pulitiko sa social media dahil sa mga sablay daw na hirit nito.


At dahil kilala rin si Nadia bilang close friend at naging staff pa nga ni Sen. Robin sa Senate, hiningan na rin namin siya ng reaksiyon sa mga pamba-bash sa mister ni Mariel Rodriguez na diumano ay “bobo” itong senador.


“Nasasaktan ako siyempre. Hindi lang naman si Robin, basta kaibigan mo, masakit. Iba na kasi ang culture ngayon, eh, sobrang ang dami nang abogado ngayon. Parang everybody has so much hatred. Sana lang, let’s be kinder kasi tingnan mo naman ang nangyayari sa mundo, tapos ganu’n pa tayong lahat. Naaawa ako sa Pilipinas. Naaawa ako sa mga Pilipino,” pahayag ni Nadia bilang pagtatanggol sa kaibigan.


Sa tanong kung nakikita ba niyang naaapektuhan si Sen. Robin sa mga pamba-bash, sagot niya, “Knowing him, hindi na. Manhid na ‘yun. Sanay na sanay na ‘yun. ‘Wag lang ang pamilya. ‘Wag lang ‘yung mga anak siyempre. Tao pa rin siya na nasasaktan, ‘di ba? 

“Pero like what I said, konting kibot nga nu’n, trending na, eh!”


Well, kung kilala nga namin si Nadia kung gaano ka-loyal sa mga kaibigan, ibagsak man nang buong mundo si Robin, sigurado kaming hinding-hindi niya ito tatalikuran.





Ipinagdiwang kamakailan ng Knights of Rizal (KOR), isang pampublikong korporasyong itinatag sa pamamagitan ng batas (Republic Act 646 noong 1951), ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng pambansang programa sa gatas na tinatawag na M.I.L.K. IN THE PHILIPPINES (M-ake I-ntelligent L-ots of K-ids in the Philippines). 


Layunin ng programang ito na magbigay ng isang basong gatas araw-araw sa mga mahihirap na nagbubuntis na ina (sa halip na direkta sa bata) sa loob ng tinatawag na "First 1000 Days" o unang 1,000 araw ng buhay ng bata (mula pagsilang hanggang sa edad na dalawang taon). 


Ipinaliwanag ni Knights of Rizal Supreme Commander Dr. Manny Calairo, KGCR, na sa loob ng 15 magkakasunod na buwan, makikipagtulungan ang KOR sa iba't ibang lokal na pamahalaan (LGU) sa buong bansa upang labanan ang malnutrisyon na nagdudulot ng pagkabansot ng pag-unlad ng utak sa mga bata dahil sa kahirapan.


"Kabilang dito ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng gatas araw-araw sa mga mahihirap at nutritionally at-risk na mga nagdadalantao (ideyal ay sa pinaka-unang bahagi ng unang trimester ng pagbubuntis) upang labanan ang malnutrisyon na nagreresulta sa permanenteng pagkabansot ng pag-unlad ng utak ng bata pagkalampas ng edad na dalawa," pahayag ni Calairo.


Inanunsiyo ng KOR Supreme Commander sa publiko, sa panahon ng kanilang Gala Night Celebration noong Hulyo 28, 2026 sa Manila Hotel, na inilunsad na ng KOR (sa pakikipagtulungan sa mga LGU) ang kanilang M.I.L.K. Program sa San Jose, Batangas noong Hulyo 25, 2026 at sa Magdalena, Laguna noong Hulyo 27, 2026.


Dumalo ang iba't ibang celebrities sa nasabing KOR Gala Night upang ipakita ang kanilang suporta sa nasabing M.I.L.K. project ng grupo.


Kabilang sa kanila ang mga sikat na mang-aawit noong dekada '70 at '80 na The Rainmakers na binuhay ang dugo ng maraming senior citizens that night na nakikanta at nakipagsayawan pa sa kanila, ang mga award-winning singing divas na sina Gerphil Flores at Allison Gonzales; at ang singing diva ng Philippine Navy na si Commander Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, PN.


Kabilang din sa mga nagpakita ng suporta sa KOR M.I.L.K. Project ang mga sumisikat na P-Pop star ng bansa na NOVA, at ang singing senator at Manila Hotel president na si Sen. Joey Lina na todo-bigay din sa pagkanta.


“Minsang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ‘Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.’ Magtulungan tayo upang tiyakin ang kinabukasan ng ating minamahal na Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutok sa kapakanan ng ating kabataang Pilipino... ang ating mga anak," pagtatapos ni Calairo.





Akala, knight in shining armor na, Barbie doll pala ang fave toy… TISOY NA AKTOR, CAUGHT IN THE ACT NG MAGALING NA AKTRES NA MAY KAHALIKANG LALAKI



Sinetch itech - Blind Item


BLIND ITEM:


MAY source kaming nagbulong sa amin ng dahilan kung bakit bigla na lang naputol ang gumagandang relasyon na sana ng tisoy na guwapong aktor at ng magaling na aktres.

Akala ng lahat, after ng breakup ng magaling na aktres sa kanyang long-time boyfriend ay naka-jackpot na siya sa tisoy na aktor na taga-kabilang network dahil guwapo na ito ay mabait pa.


Madalas na silang makitang sweet in public, nagho-holding hands at nagyayakapan.

Pero nagulat ang lahat nang bigla na lang, wala nang balita tungkol sa gumaganda nilang relasyon. Hindi na rin sila nakikitang magkasama in public at ayaw nang pag-usapan ng aktres ang aktor sa kanyang mga interviews.


Ang rason, ayon sa aming reliable source, na-caught in the act pala ni magaling na aktres na may ibang kahalikan ang aktor!


But wait… hindi magandang dilag o kapwa aktres ang nahuli ng magaling na aktres na kalaplapan ng akala niya ay knight in shining armor na niya kundi kapwa nito lalaki!

Yes, trulili! Kaya shocked to the max ang magaling na aktres dahil akala pa naman niya ay gagawin siyang baby ng tisoy na aktor, ‘yun pala, Barbie doll din ang favorite toy nito!

Gusto lang pala siyang gawing trophy GF ng tisoy na aktor, buti na lang at nauntog siya agad. 


Aguuuy!!!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 20, 2025



  • Keanna Reeves

Photo: Keanna Reeves - IG


Hindi pinalampas ni Keanna Reeves ang very successful comeback ni Arnell Ignacio sa concert scene via Timeless…Music & Laughter (TM&L) sa Century Park Hotel last Saturday, February 15.


Knows sa showbiz na close friends sina OWWA Administrator Arnell at Keanna.

After the concert, nakatsikahan namin si Keanna kasama ang Kapuso artist na si Scott Lomboy. Kinumusta namin kay Keanna ang isa pa niyang beshie sa showbiz na si BB Gandanghari na dating si Rustom Padilla.


Hindi pa raw sila nagkita ni BB since bumalik ng Pilipinas ang kapatid ni Sen. Robin Padilla. If ever magkita raw sila ni BB, umaatikabong tsikahan daw ang mangyayari.


Natanong din namin si Keanna sa nangyayari sa showbiz sa pagkakasangkot ng ilang female celebrities na na-scam sa beauty products company.


“Ay, ‘yung mga na-scam? Oo nga, ‘no. Sabi nila ‘yung mga nai-scam, matatalino. Tapos ako, binansagan ninyong b*bo. Pero never ko na-experience ma-scam kasi segurista ako, eh. Kasi mukha akong pera, eh. Ang tatalino ng mga taong ‘to, bakit nai-scam sila?” emote ni Keanna.


Another hot issue sa showbiz ngayon ay ang pandyodyombag ng ex ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa fiancee nitong si DJ Jellie Aw.


“Bago pa mangyari ‘yun, ako muna. Unahin ko muna dyombagin. Siguro ano, ‘di naman natin makokontrol ang temper natin, ‘di ba? Lalo na ‘pag selos. Hindi naman natin sila ma-judge kung bakit nila nagawa ‘yun. Ano lang siguro, suwerte-suwertehan lang, may taong nanakit at merong hindi. Hindi naman mananakit ‘yan ‘pag nanliligaw pa. Doon mo lang malalaman ‘yan ‘pag kayo na,” diin ni Keanna.


Una raw siyang naging biktima ng pananakit, kaya siya lumayas sa kanyang ex-husband.  


“Bugbog girl din ako. Ako ang pioneer d’yan kaya alam kong hindi biro ‘yan,” dagdag pa ni Keanna Reeves.


More pa? No more na! 

AKTOR-PULITIKO, DATI RAW CALLBOY SA ERMITA BAGO NAGING HOSTO SA JAPAN


BLIND ITEM:

PINAGPIYESTAHAN ang post sa X (dating Twitter) kahapon tungkol sa apat na  aktor na hindi na namin papangalanan dahil below the belt ang mga isyung ikinakabit sa kanila. 


Ayon sa post, “(Actor-politician na ex ng aktres-politician), mabaho ang hininga, talac (sabi) ng kaeksena! - (Tsinitong aktor) nagtatago sa Japan??? - At si actor-politician is an OG hosto! Japan-Japan sagot sa kahirapan! - (Magaling na aktor) napakasarap ng kili-kili!!!”


Kani-kanyang hanash ang mga netizens sa mga aktor na nabanggit sa comment section. Unahin na natin ang actor-politician.


Sey ng mga netizens: “At before pa naging hosto si ___, callboy ‘yan before d’yan sa Ermita.

“Una pa sa mga double na sinehan ng T___ nu’ng araw, parang Alta ng Cubao nu’ng 90s… ‘yung tumatabi sa mga beki at nag-aalok ng movie ni Brillante Mendoza (joking emoji).”


“Dedma du’n sa rest… focus ako sa kilikili ni ____ (magaling na aktor) at V line (lower torso). Hahaha!”


Then, ang tsinitong aktor naman ang binanatan, “______ IS CONSIDERED A FUGITIVE NOW. ‘KAKALOKA!”


Parang ‘di naman kami makapaniwala sa aktor-pulitiko na ex ng actress-politician dahil in fairness sa kanya, mukhang lagi naman siyang mabango. 

So, there.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 1, 2024



Blind Item

BLIND ITEM:


Uy, gaano kaya katotoo na halos kalahating milyong piso diumano ang ibinayad ng isang award-winning personality sa isang grupo ng namahala ng isang award-giving body-event?


Ayon sa aming ka-Marites, dahil nga raw sa pang-eengganyo ng ilang members ng grupo na kakilala nitong award-winning personality ay nakumbinse itong mag-sponsor kapalit ng awards.


Yes, take note, awards, ha? 


Kasi pala ay tila nai-lobby din ng ilang members ng grupo na isabay na ang pagpaparangal sa kasamang bida ng personalidad na hindi na nga raw pagdududahan dahil multi-awarded nga rin ito. Kumbaga, two-in-one ang atake kaya’t push na. 


So, nangyari nga ang gusto ng ilang members ng grupo pero nawindang diumano si award-winning personality dahil last minute raw ay hindi nagpakita ang multi-awarded co-star niya.


Ang tsismis kasi, humihingi ng “something” si multi-awarded co-star para ganahan daw itong mag-ayos, magpa-parlor, magbihis at pumunta sa venue kahit may napapabalitang may karamdaman ito.


And yes again, ang diumano’y ‘something’ na hinihingi ni multi-awarded co-star ay halos hindi nalalayo sa talent fee niya sa movie. 


Kaya ang ending, mag-isang tinanggap ni award-winning personality ang award eliciting questions tuloy from the showbiz insiders. 


Kawawa naman kahit mukhang deserving naman siya talaga.


'Kalokahhhh!!!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page