top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

Nakipagmiting sa execs ng GMA-7… WILLIE, PELIKULA ANG GAGAWIN, ‘DI TV SHOW

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 10, 2026



Willie Revillame - Wowowin FB

Photo: YT Onemig Bondoc



Hindi ang pagbabalik ng kanyang game show sa telebisyon ang pinagkakaabalahan ngayon ni Willie Revillame, kundi ang paggawa ng pelikula. 


Ito ang dahilan kaya nakipagpulong si Willie Revillame kay GMA Films President and CEO Annette Gozon-Valdes at sa producer ng Mavx Productions na si Erwin Blanco.

Dalawang pelikula ang pinag-uusapan na gagawin ni Willie sa collaboration ng GMA Pictures at Mavx Productions. 


Nagustuhan ng host ang mga istoryang iniharap sa kanya, na ang isa ay tearjerker at ang isa naman ay comedy. Si Erwin Blanco ang posibleng magdirek ng drama.


Samantala, wala pang anumang plano o negosasyon tungkol sa pagbabalik ng game show ni Revillame sa GMA-7. Hindi nila ito napag-usapan ni Annette.

Well, mukhang mas pinagkakaabalahan muna ni Willie ang paggawa ng pelikula habang nagpapahinga sa kanyang dating TV game show.





SA edad na 80, wala pa ring kupas ang galing umarte ni Odette Khan. 

Sa ginanap na 49th Gawad Urian, itinanghal siyang Best Actress para sa kanyang pagganap sa Bar Boys: After School (BBAS).


Nagtabla sila ni Maris Racal, na pinarangalan din bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sunshine.


Limang dekada nang bahagi ng showbiz si Odette Khan, kaya maituturing siyang isang icon sa industriya. Tumatak ang pagiging kontrabida niya sa mga pelikulang kanyang ginawa pero sa BBAS, lumutang siya nang husto.


Mabait pero istriktang law professor ang kanyang role. Matulungin din siya at ginabayan ang kanyang mga law students upang makapasa sa bar exam, kaya minahal siya ng kanyang mga estudyante. 


May puso ang role ni Odette, kaya nagmarka siya sa mga moviegoers.

Truly deserving talaga ang beteranang aktres sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng Gawad Urian. Magsisilbi itong inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.





Nagbihis-babae…

KETCHUP, NAGING KAMUKHA NI MICHAEL V.



ALIW na aliw si Michael V. nang makita ang hitsura ni Ketchup Eusebio sa isang eksena sa The Master Cutter (TMC). Magkamukha kasi sila nang maayusan si Ketchup bilang drag performer na kasama sa grupong Karayum Queens nina Dingdong Dantes.


Dahil dito, marami ang nag-suggest na i-guest ni Bitoy si Ketchup sa sitcom na Pepito Manaloto (PM).


Madalas na gumaganap na babae si Michael V. sa mga skit ng BG, kaya bagay na bagay sa kanya ang maging mujer.


Well, marami tuloy ang nagtatanong kung iisa ang makeup artist nina Michael V. at Ketchup Eusebio dahil halos magkapareho ang kanilang hitsura.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page