top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

Aktor, waging Outstanding Asian Star… KIM, OUT SA MGA PINASALAMATAN NI PAULO

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 10, 2026



Paulo Avelino at Kim Chiu

Photo: IG Paulo Avelino at Kim Chiu



Wagi si Paulo Avelino ng Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2026 na ginanap sa South Korea kamakailan.


Kinilala ng fans ang husay ni Paulo bilang Vincent Cabrera sa The Alibi, na pinagbidahan nila ni Kim Chiu na tumanggap din ng parehong parangal noong 2024.


Umani siya ng 43.63% ng fan votes sa Idol Champ app.

“Gusto kong pasalamatan ang home network ko, ang ABS-CBN, na nagbigay sa akin ng oportunidad. Gusto ko ring pasalamatan ang Dreamscape para sa paggawa ng kuwento at ng aking karakter. Sa Prime Video, na patuloy na naghahatid ng mga kuwento ng mga Pilipino sa buong mundo, at s’yempre, sa mga fans na bumoto sa ‘kin, maraming salamat. Nand’yan kayo, ‘di n’yo ako iniwan, pinanood n’yo ang aking mga programa at mga pelikula, at nagbayad sa sinehan. Sobrang na-appreciate ko kayo,” saad ni Paulo sa kanyang acceptance speech.


Teka, bakit parang ‘di kasama si Kim na leading lady ni Paulo sa mga pinasalamatan ng aktor?


Anyway, maliban kina Kim at Paulo, kabilang sa mga Kapamilyang pinarangalan ng Outstanding Asian Star sina Belle Mariano (2022), Kathryn Bernardo (2023), at Daniel Padilla (2025).


Ang Seoul International Drama Awards ay nagbibigay ng parangal sa mga natatanging personalidad at programa sa larangan ng drama sa buong mundo.

‘Yun lang, and I thank you.





Simple pero wagas ang mensahe ng aktres na si Kakai Bautista tungkol sa pagmamahal at respeto sa mga magulang, lalo na sa mga anak na hindi nakaranas ng sapat na pagmamahal mula sa mga ito.


Sa kanyang social media account, nagbahagi si Kakai ng mensahe para sa mga anak na patuloy na minamahal at inirerespeto ang kanilang mga magulang sa kabila ng mga naging pagkukulang ng mga ito.


Ani Kakai, “If your parents are responsible, decent and LOVING human beings, LOVE THEM MORE THAN they should be Loved.


“Not every parent loved their child the way they should be loved and taken care of because they were never ready to be a parent. And they too, maybe, weren’t given the same amount of love they’ve asked for.


“And if you are someone who loved their parents in spite and despite all the inabilities, inadequacies or pain and trauma they’ve caused you, I PRAY FOR YOUR STRENGTH and ABUNDANCE! Because not everyone can accept and forgive these truths about their parents.


“I love you, you are loved.”

Well, para kanino kaya ang mensaheng ito ni Kakai? 





Ibinuking ni Ruffa….

ANNABELLE, NASA SINGAPORE PARA MAGPA-CHECKUP



PUNUMPUNO ng pagmamahal ang mensahe ng aktres-beauty queen na si Ruffa Gutierrez para sa kanyang mother dearest na si Annabelle Rama.


Sa Instagram (IG), nagbahagi si Ruffa ng larawan nila ni Annabelle habang nasa Singapore para sa medical checkup ng kanyang mother dearest.


Sa kanyang post, sinabi ni Ruffa na malaki ang naging bahagi ng kanyang ina sa kung sino siya ngayon.


“The woman I’ve become was shaped by every season that tried to break me and every moment I chose to rise stronger. After all, I come from a strong woman!” saad ni Ruffa.


Ibinahagi rin niya ang naging bonding nila sa Singapore na puno raw ng tawanan, kaunting gulo, at siyempre, ang kanilang ‘signature Dr. Khufuama’.


“Bonding with Mom @annabelleramaig here in Singapore has been nothing short of eventful… filled with laughter, a little chaos, and, of course, our signature drama! But I wouldn’t have it any other way.


“Love you, Mother! Here’s to many more beautiful moments, unforgettable memories, and travels together,” aniya.


In fairness, super-lucky ni Mother Dearest Annabelle sa anak niyang si Ruffa. Maganda na, mabait pa. ‘Di ba naman, Jun Lalin?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page