top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Siguruhin ang libreng COVID-19 vaccines sa mahihirap, vulnerable sectors at frontliners!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2020
  • 2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | December 4, 2020



Nasa buwan na tayo ng Disyembre. Kay bilis talaga ng takbo ng panahon. Patapos na ang 2020 pero narito pa rin tayo, nananatiling matatag sa kabila ng lahat ng pagsubok nitong taon.


Sa dami ng pinagdaanan, patuloy pa rin ang serbisyo sa bawat Pilipino.


Kamakailan, dumayo tayo sa Cavite City, Cavite at sa mga bayan ng Pandi at Norzagaray sa Bulacan para magbigay ng emergency assistance sa mga biktima ng baha dulot ng mga dumaang bagyo. Bukod pa rito, bumisita rin tayo sa Barangay Sauyo, Quezon City para tulungan ang mga nawalan ng bahay at kagamitan dahil sa sunog.


Noong isang linggo lang din, pumunta tayo sa Solana, Tuguegarao City at nagpadala naman ng ayuda sa mga bayan ng Santa Maria at San Pablo sa Isabela pati na rin sa siyudad ng Ilagan at Santiago para magbigay-tulong sa mga biktima ng mga nakaraang bagyo.


Sa usaping pangkalusugan, tuloy ang pagbukas ng Malasakit Center sa La Union ngayong araw. Ito ay magseserbisyo sa rehiyon na naghahanap ng tulong para sa kanilang pagpapagamot.


Bukod pa rito, patuloy din ang paninigurong makakuha ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19. Bilang chair ng Senate Committee on Health, sisiguruhin natin ang availability, accessibility, at affordability ng mga bakuna.


Siguraduhin din nating mabigyan ng libre ang mga mahihirap at vulnerable sectors pati na rin ang frontliners, tulad ng mga medical workers, uniformed personnel, mga guro, at iba pa.


Ngayong Pasko, sana ay patuloy tayong sumunod sa mga health protocols para labanan ang pandemya. Iwasan natin ang mga malalaking pagtitipon at ugaliing magsuot ng masks at face shields, maghugas ng mga kamay, at gawin ang social distancing.


Bigyan natin ng importansiya ang buhay ng bawat Pilipino. Ang ating pag-iingat at pagsunod sa mga patakaran upang maproteksiyunan ang ating mga sarili at ang ating pamilya ay ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa ating mga mahal sa buhay.


Tiyak tayo ay magtatagumpay sa huli. Sama-sama tayo sa pag-unlad at sa paggaling. Magbayanihan po tayo!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page