SIGAW NI KIRA: 'DI AKO NANG-AAGAW NG LALAKI, SILA ANG NAGHAHABOL SA AKIN
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 23, 2023

Sa unang pagkakataon ay kinlaro ni Kira Balinger ang isyung siya ang third party sa dating magkarelasyong Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco na naging maingay na balita noong January 2023.
Base sa kuwento ni Roselle ay nag-cheat sa kanya si Kelvin dahil kay Kira na nahuli niyang magka-text dahil nabasa niya ang lahat ng mensahe nang maagaw niya ang cellphone ng aktor.
“Hindi po ako third wheel, kung ano po ‘yung naging usapan ng ex nila, wala po akong alam du’n. Out na po ako roon. And if somebody Ate Gurl (Roselle) would talk to, it should be him (Kelvin).
“Pero ako from woman to another woman, I understand that pain. 'Uy, bakit may ganyan?'
Pero ako, honestly, from my point of view, wala po akong alam and I’m confident to say na hindi ako kabit kagaya ng sabi ng lahat like what she (Roselle) made me out of it.
“But on my side excluding her, may mali ako to be fair, hindi kami (ni Kelvin). Chats lang iyon.
Those were chats, ni minsan hindi kami lumabas together and in the locked-in (shoots), we have our PA’s (personal assistants). It was always after the set, go to the room, sleep na honestly,” kuwento ni Kira kung ano ang naging senaryo ng isyu.
Dagdag pa niya, “I did not break them up and I’m very confident to say that ‘coz I do not steal man, I do not run after them, they come to me. And it was my mistake, I entertained one man and I am sorry for that and I am making up for it, I took accountability for my actions.”
At dahil may project pa sina Kira at Kelvin ay hindi maiiwasang hindi sila magkita dahil may promo period pa sila.
Nabanggit pa ni Kira na homebody siya at hindi lumalabas para gumimik, tapos nadawit pa sa isyung hindi naman siya talaga ang dahilan ng hiwalayan nina Kelvin at Roselle.
“It was very unfair that I was drag like that on social media and honestly, she could get herself in legal trouble for that, I’m sorry to say but who has the time for that? Okay I understand your pain but it’s how you behave,” diin ng young star.
Mas na-appreciate pa raw sana ni Kira kung kinausap siya nang personal ng ex-girlfriend ni Kelvin over coffee para mas nagkaliwanagan sila kaysa ginamit ang social media para mag-ingay.
“Like sophisticated women should do, hindi 'yung gagawing to put your problems in social media like that and encourage other people to do that na mali. Honestly, that’s big legal trouble but I choose not to because again, I don’t have the time, I don’t have the energy, I’m busy and I have so many blessings coming my way. Dapat 'yun po ang focus ko, so, (muwestra) dedma, it’s done!”mahabang paliwanag ng aktres.

Nakausap namin si Kira sa ginanap na story conference ng unang pelikulang pagbibidahan niya kasama bilang leading man si LA Santos na isu-shoot sa Toronto, Canada na may titulong Maple Leaf Dreams na isinulat ni Hannah Cruz at istorya at direksiyon naman ni Benedict Mique, produced ng Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic.
Gaganap bilang OFW sina Kira at LA na parehong bagets pa pero kailangan nilang makibaka sa buhay at sa Canada nga ang destinasyon nila.
Inamin ng dalaga nang ialok sa kanya ang karakter na Molly at nabasa niya ang script at siya nga ang bida ay naiyak siya sa sobrang pagpapasalamat dahil 9 years na raw siya sa showbiz ay hindi pa siya kilala, kaya sa pelikulang Maple Leaf Dreams ay paghuhusayan niya para hindi magsisi ang mga nagtiwala sa kanya, lalo na si Direk Benedict na nag-push sa kanya.
“So, to be chosen for such a big project like this po, sobrang nakakabigla, nakaka-‘Uy, management and creative, they believe in me, they believe in LA.’ They saw potential in us kahit na hindi kami ganu'n (sikat),” pahayag ng dalaga.
Inamin ni Kira na may mga frustrations siya bago dumating ang pelikula.
“Iba ‘yung frustration, ‘Bakit, why am I not getting this? Alam ko naman I’m working hard. I’m doing everything that I can. Bakit iba 'yung napipili? Bakit parang ‘yung hindi naman nag-work hard, siya ‘yung napili?’ Honestly, hinanakit, hindi naman sobrang hinanakit, pero thoughts lang ng ibang artists na hindi masyadong binibigyan. ‘Bakit palagi ‘yung sikat?'
“Like, 'Why not give chances to others na sobrang nag-workshop and everything?’ Pero ako po, I believe in God’s good time. And hindi naman po fame ang habol ko. I love the craft. And however long it takes, I will stay,” katwiran ni Kira.




Comments