SIGAW NG NETIZENS: KC, NAPAKA-WALANG UTANG NA LOOB KAY KIKO!
ni Julie Bonifacio @Winner | October 31, 2023

Back to “reality” si Megastar Sharon Cuneta after ng concert niya with Gabby Concepcion.
Bumawi agad si Sharon sa kanyang mister na si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan kasama ang kanilang dalawang anak na sina Miel at Miguel. Habang ang eldest daughter nila na si Frankie Pangilinan ay nasa ibang bansa for her studies.
Nag-viral agad-agad ang ipinost ni Kiko sa kanyang socmed accounts na piktyur nila ni Sharon with this caption, “Kapag natapos na ang oras sa trabaho.”
Ini-retweet ni Frankie ang post ng kanyang ama na si Kiko sa kanyang Twitter account.
Habang ang kaibigan ni Megastar na si Rosanna Roces ay ipinost ang piktyur ng mag-asawang Kiko at Sharon with parunggit sa mga bashers na nagtatanong kung bakit nag-reunion pa si Sharon at ang ex-hubby nitong si Gabby Concepcion knowing na may respective partners na sila.
Paliwanag ni Rosanna, “Ito ang hindi maiintindihan ng mga haters… na kesyo pati feelings ng mga partners ng dating mag-asawa, pinakikialaman. Ganito kasi ‘yan... Sa likod ng ingay...
rehearsal… pagod sa promo at sa gabi ng actual show, mayroon tayong isang tao na inuuwian…
sila ang may hawak ng kapayapaan at katahimikan ng puso. They are what we call HOME.
“Everything’s alright ‘pag kapiling na natin sila. Naglalaho lahat ng ingay at pagod. Sila ‘yung pinili nating maging pamilya dahil after all… Showbiz is not Forever.... Family is Forever.”
Payo pa ni Osang, maging masaya na lang daw dapat at napagbigyan ang hiling ng mga fans at kaisa-isa nilang anak na si KC Concepcion. So, wish pala talaga ni KC na magsamang muli sina Sharon at Gabby on stage.
At dahil sa post ni Osang, may mga netizens ang nag-flashback sa mga “kaso” ni Gabby noon.
Kinalkal ng isang netizen ang kasong bigamy ni Gabby. Natuklasan kasi na ikinasal si Gabby sa American girl sa Las Vegas bago sila ikinasal ni Sharon noong 1984.
Pati ang yumaong ama ni Sharon na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta ay tsinikang gusto raw ipakulong si Gabby. Pero dahil kay KC kaya ‘di raw itinuloy ni Mayor Cuneta.
“Gabby is a user. A papa’s boy. Wala kasing alam ‘yang si KC sa lahat2x dahil nasabi na niya noon pa na merong mga bagay na nangyari noon sa kanila na dadalhin na lang daw niya sa grave.
When Sharon left their conjugal, wala siyang pera. Nasira career niya.”
Duda pa ng netizen, baka naging biktima rin si Sharon ng domestic violence nu’ng nagsasama pa sila ni Gabby. Batay ito sa akusasyon ng ex-partner din ni Gabby na si Jenny Syquia na nakatikim siya ng pananakit sa aktor.
Sabi pa ng netizen, “I guess Sharon deeply doesn't want to do anything with this man anymore but she has no choice because of KC the drama queen who keeps harping on being alone and broken.
She’s 38 and still blames her mother who works hard to feed her, gave her everything she could afford. Kiko has to become an instant father since there was no Gabby the father to co-parent with Sharon. Ang kawawa rito, si Sharon. Sabi nga ng manager niya, mga tampuhan daw ng mag-ina is usually maghihimutok si brat KC and ends up with Sharon gives way. That’s it.
“And now the old brat has deleted her posts with her dad, Kiko. And retained posts from her papa alone. Napaka-ungrateful lang. I honestly thought that her Father's day and birthday posts for Kiko were sincere.”
Nakakalurky ang hanash ng mga bashers ni KC dahil dito. At isa pa sa mga pinuna kay KC ay ang kanyang katawan.
“Very well said! Home is where the heart is! But Mega is sexy, it’s embarrassing I need to lose weight!”
“Mas mukha pa ngayong nanay si KC.”
Grabe s’ya!





Comments