top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SIGAW NG NETIZENS: JULIA, KUNTODO-BUKAKA PARA SA DATUNG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 18, 2023


Nagpapasalamat si Julia Barretto sa kanyang pamilya at sa boyfriend na si Gerald Anderson dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa bago niyang proyekto.


Nagdesisyon kasi ang aktres na maging Calendar Girl ng Tanduay 2024.


Eh, alam naman nating kapag nag-Calendar Girl ang isang celebrity ng isang nakakalasing na inumin, asahan na ang paglabas ng iba’t ibang sexy photos nito.


Isang photo pa nga lang ang ipinasilip ng aktres sa kanyang IG page, sandamakmak na panlalait na ang natatanggap ni Julia ngayon.


Kesyo cheap daw ito, na ayon naman sa mga kalalakihan ay nati-trigger silang mag-imagine kaya like raw nila ang pictorial ni Julia.


"I KNOW! It triggers the imagination kaya LIKE,” sey ng isang nagkomento.


Minsan na ring naging Calendar Girl si Heart Evangelista kaya may nagsabing, "‘Di mo mapupulot ang amount ng check kung saan-saan lang kung ikaw ang piniling Tanduay girl. Millions ang paycheck."


Sey naman ng iba, "Swimsuit lang naman ‘yan. Maraming naka-ganyan sa beach. At least, kumita siya nang milyones diyan."


Heto pa ang ibang komento ng mga netizens…


"From wholesome image, naging daring and sexy na. Hirap talagang kumita ng pera nowadays.


Pa-sossy, pero sa Tanduay lang pala ang bagsak."


"Flop kasi ‘yung mga wholesome niya, ‘di siya love ng masa kaya siguro try niya naman ‘to."


"‘Di ba, nag-ganyan din si Bea, pero wala kayong kuda nu’n? Mas pa-wholesome naman ‘yun.


Julia has been wearing skimpy clothes ever since naman kasi she has the body."

"Lol! Asus, as if namang conservative si Gerald."


“Ang ganda at ang sexy na hindi bastusin, pero dislike ‘yung pose. Puwede namang naka-side ‘yung legs pareho,” sey ng isa sa picture ni Julia na nakabukaka.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page