SIGAW NG FANS: JULIA AT GERALD, GAYA-GAYA KINA BEA AT DOMINIC, NAG-LIPS-TO-LIPS DIN
- BULGAR
- Jan 4, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 04, 2022

Nagkakainitan na naman ang BeaDom fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque at JuRald fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil lang sa New Year’s kiss na
parehong ginawa ng two couples at parehong ipinost.
Gaya-gaya raw sina Gerald at Julia kina Bea at Dominic, ayaw daw magpatalo, kahit kaugalian naman talaga ng mga couples na mag-kiss sa New Year’s Eve at tiyak kaming hindi lang sila ang couple na nag-kiss noong time na ‘yun.
Pati kung kaninong kiss ang mas sweet, bone of contention din at kahit sa video at photos lang nila nakita, nakapag-comment na sila na mas sweet ang kiss nina Bea at Dominic. Mas pang-forever daw ang dating at hindi pilit.
Sagot naman ng JuRald fans, mas naunang nag-post si Julia kaya malinaw na hindi sila ang gumaya sa BeaDom couple.
Heto pa, mas nakakakilig daw ang kiss nina Julia at Gerald at normal ang kilos ng dalawa at hindi nakikipag-compete at parang laging may gustong patunayan. Alam na kung sino ang gustong tukuyin ng mga fans.
Masaya ang two couples, pero ang kanilang mga fans, hindi pa nakapag-move on and every time may chance, nagbabangayan. Sila at hindi sina Bea at Gerald ang dapat sabihan na mag-move on na.





Comments