Si-Pons, Krung-Jude double gold sa BVR
- BULGAR
- Nov 2, 2021
- 1 min read
ni VA - @Sports | November 2, 2021

Nakumpleto ng Creamline 1 pair nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang golden double sa women's division ng BVR on Tour nang muli silang mamayani noong Linggo ng hapon, 21-13, 21-11 kontra sa Creamline 2 tandem nina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio sa finals ng second leg ng torneo sa Santa Ana, Cagayan. Winalis nina Rondina at Pons ang lahat ng kanilang 13 laro sa two-leg bubble tournament.
Gaya nina Rondina at Pons, nagtala rin ng championship double sina Krung Arbasto at Jude Garcia ng Creamline 1 sa men's division nang gapiin nila ang Tuguegarao duo nina James Pecaña at AJ Pareja, 21-17, 21-16, sa 2nd leg finale. "Sobrang grateful kami sa pagkakaroon ng opportunity na makapaglaro dito. Tuloy kami sa goal namin," wika ni Pons,na pinasalamatan ang Philippine National Volleyball Federation at ang BVR sa pagdaraos ng katatapos na kompetisyon. Ang dalawang Santa Ana legs ng BVR ay bahagi ng paghahanda ng mga national team players sa nakatakda nilang pagsabak sa Asian Senior Beach Volleyball Championship na gaganapin sa Phuket, Thailand sa susunod na buwan. "Siguro focus lang kami sa goal.
Hindi lang kami nagpe-prepare dito (BVR) kundi sa Asian Senior Beach Volleyball Championship sa Thailand (next month) and sa SEA Games next year," ayon naman kay Garcia.
Nagtala rin ng 2-legs sweep na kinapapalooban naman ng 14 na laro sina Arbasto at Garcia.





Comments