top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Si Mark Anthony ang first love, si Rico ang greatest love… CLAUDINE: RAYMART, MY FAVORITE MISTAKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 2, 2026



FRANKLY - CLAUDINE RAYMART, MY FAVORITE MISTAKE-IG _claubarretto & _raymartsantiago

Photo: IG _claubarretto & _raymartsantiago



Hanggang ngayon, kahit ilang dekada na ang nakaraan, ang pagpanaw ng ex-boyfriend na si Rico Yan ang itinuturing pa rin ni Claudine Barretto na isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay.


Sa panayam sa aktres sa vlog ng aktres-komedyanang si Dang Cruz, isa sa mga naging paksa nila ang mga lalaking minahal ni Claudine tulad nina Mark Anthony Fernandez, Rico Yan at ang napangasawa niyang si Raymart Santiago.


Sa naturang interview, sinabi ni Claudine na ‘greatest love’ niya si Rico, habang si Mark Anthony naman ang kanyang first love. Inilarawan naman niya si Raymart bilang kanyang ‘favorite mistake’.


Inamin ng aktres na pinagsisisihan pa rin niya ang hindi niya pagsagot sa 7 missed calls ni Rico sa kanya the night before he died.


At naging isang malaking leksiyon ito sa kanya kaya ngayon daw, sinasagot na niya ang lahat ng calls.


“Ngayon, kahit sino’ng tumatawag sa akin, kahit kaaway mo, sasagutin mo na lang, eh. Minsan, mumurahin ka pala, ‘di ba? Okay lang, kasi baka wala na bukas ‘to. Diyos ko, Lord,” natatawang tila naiiyak na sabi ng aktres.


That time ay 21 years old pa lang daw siya, pero matindi na ang kanyang pinagdaanan sa pagkawala ni Rico. Sinisi niya ang sarili that time at galit na galit daw siya sa kanyang sarili.


“‘Yun ‘yung ‘di alam ng mga tao. Kung ano’ng galit nila sa akin, sobrang naintindihan ko ‘yun,” aniya.


Naikuwento rin niya na muntik nang mag-propose sa kanya si Rico noong 2001.

“Nu’ng December sana nu’n, nu’ng 2001, magpo-propose na si Rico. May singsing na,” aniya.

“And nagsabi na rin siya kina Mr. M (Johnny Manahan, former head ng Star Magic) without telling me, at sa parents ko at sa Star Cinema na aalis kami, lilipat kami ng Vancouver,” dagdag niya.


Matatandaang pumanaw ang dating aktor at heartthrob noong March 29, 2002 habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan kasama ang mga kaibigan, kabilang na si Dominic Ochoa.





‘Di raw kayang kasama ang tamad…

HEART, AMINADONG KAYOD-TO-DEATH PARA SA BISYONG SHOPPING 



VIRAL na naman sa online community ang mga pahayag ni Heart Evangelista sa recent episode ng show niya sa GMA-7 na The People Have Spoken (TPHS).


Sa nasabing episode, tinanong si Heart ng “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o walang bisyo pero tamad?”


Para sa Queen of Creative Collaborations, mas pipiliin na niya ang masipag na may bisyo kaysa tamad.


“Ang tamad, tamad kahit ano’ng mangyari. Ang hirap kasama ‘pag mabigat ‘yung tao,” aniya.


Siya man daw ay may bisyo, pero grabe naman daw siya kung magtrabaho, to the point na nahihimatay na siya at naoospital.

At ang kanyang bisyo? Shopping!


“Ako, may bisyo. Bisyo ko ang shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital, everything! Para mabili ko ‘yung gusto ko,” sey niya.


Giit pa niya, “So, wala naman akong sinasaktan nang dahil du’n, so agree ako ru’n. Tamad is tamad. Ekis ‘yun sa ‘kin.”


Hahaha! May point naman siya, huh!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page