Si Coco ang magsusulat ng story… MOVIE NINA SEN. LITO, BONG, ROBIN AT JINGGOY, PARA SA 2024 MMFF
- BULGAR
- Nov 30, 2023
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 30, 2023

Labis ang panghihinayang ni Sen. Lito Lapid na hindi niya nagawang ipunin ang mga pelikulang kanyang nilabasan mula nang nagbida siya sa The Jess Lapid Story na produced ng Mirick Films International.
Ilan sa mga pelikulang ito ni Lito Lapid ay nagmarka sa publiko tulad ng Leon Guerrero, Geronimo, Kalibre .45 (with FPJ), Da Best In The West (with Dolphy), Ikaw Pa... Eh, Love Kita (with Maricel Soriano), Kamagong, Gigolo, Pugad Lawin, Magno Barumbado, atbp.!
Kung naingatan/naalagan lang sana ni Sen. Lito ang kanyang mga pelikula ay magiging rare collection na niya ito at maaari nang mapanood sa telebisyon tulad ng mga FPJ movies.
Mabuti na lang at nagkasama-nagkatrabaho sila ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na tumagal sa ere ng pitong taon. Hindi siya tuluyang nakalimutan ng publiko at naging malaking tulong pa sa kanyang political career.
Ibinoto si Double L ng maraming Pinoy dahil masang-masa siya na iniidolo ng marami.
Hindi rin makapaniwala si Sen. Lito Lapid nang manalo siya ulit sa second term bilang senador.
Ginusto siya ng tao dahil nagpakita siya ng malasakit sa mahihirap.
Samantala, may malaking movie project na binabalak gawin ngayon ng grupong Apat Na Sikat sa Senado na binubuo nina Sen. Lito, Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Gagawa sila ng pelikulang ilalahok nila sa MMFF 2024. Sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy ang tatayong producer ng movie. May binubuong storyline si Coco Martin, ganu'n din si Sen. Robin Padilla.
Kailangan lang na ayusin muna ang kani-kanilang schedule dahil busy silang lahat.
Ang tandem naman nina Coco at Lito sa telebisyon ay subok na subok na mula pa sa Ang Probinsyano hanggang sa Batang Quiapo. If ever daw na may movie siya na gusto niyang i-remake ni Coco Martin sa TV, ito ay ang Leon Guerrero na very, very memorable para kay Sen. Lito Lapid.





Comments